28/04/2026
Hinaing
Mananatiling may malasakit
kahit kami man ay nagigipit
ano pa ba ang masakit
ganito ang sinapit
ang mahal ng krudo
paano ito ako'y pamilyado
halatado na ako'y problemado
tensyonado hindi kalmado
Saan kukuha ng kwarta
para sa mga anak at pangmatrikula
Bakasyon ngayon kailangan mag ipon
para sa pasukan may baon
Hindi dito nagtatapos
dahil gusto ko may mapatapos
aminadong ako'y kapos
sanay na sa ulam na talbos
Saklolo! saklolo! tulungan niyo ako!
Diyos ko, tulungan mo ako
ang init ng panahon
di ko na kaya umahon
lugmok na ako at nakabaon
di na kaya maging mahinahon
ang hirap umasa
naghihinaing na sa harap ng masa
saan pa ba magpapalista
para di na maging raliyista
saan kakapit?
saan lalapit?
Diyos ko hawakan mo ako
isusumbong ko sayo lahat ng hinaing ko
tulong! tulong!
paano ako lulusong
ako'y usad pagong
ngunit alam kong may uusbong
mananatiling may tiwala
walang iba, kundi sa may likha
punasan mo ang aking luha
hindi habambuhay ako'y dukha
tatagan mo loob ko
mananalig sayo
Panginoon ko.
sulat at likha ni gel_02