Tanauan City's Hope Business Ads Small and Medium Enterprise

Tanauan City's Hope Business Ads Small and Medium Enterprise Para po ito sa mga taga Tanauan City, Batangas na gustong mag Promote ng kanilang mga Negosyo

06/05/2022
07/05/2021
03/04/2021

Come and visit the only STEAKHOUSE in the CITY.
Experience the tenderness in every bite for as low as 119PHp ONLY.
See you around. 😘

03/04/2021

Food delivery service

01/04/2021

TAAL VOLCANO BULLETIN
Ika-01 ng Abril 2021
Ika-8 ng umaga

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng dalawang daan at limampu’t apat (254) na volcanic earthquakes, kabilang ang dalawang daan at dalawampung (220) volcanic tremors na tumagal ng isa (1) hanggang dalawampu’t pitong (27) minuto, tatlumpu’t tatlo (33) na low frequency volcanic earthquakes, at isang (1) volcano-tectonic earthquake. Samantala, mahinang pagsingaw, na may taas na limang (5) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang sa 509 tonelada kada araw noong ika-31 ng Marso 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ÂșC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan batay sa electronic tilt, continuous GPS at InSAR data ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ang kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.

Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal. Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.


DOST-PHIVOLCS



https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-hazard/volcano-bulletin2/taal-volcano/11599-taal-volcano-bulletin-ika-01-ng-abril-2021-ika-8-ng-umaga

Isang bagong kaso ng Covid 19, sa lungsod ng Tanauan, naitala.
21/06/2020

Isang bagong kaso ng Covid 19, sa lungsod ng Tanauan, naitala.

16/03/2020

ANNOUNCEMENT MULA KAY MAYOR ANGELINE “SWEET” HALILI BILANG OAGTALINA SA UTOS NG PANGULONG DUTERTE

16/03/2020

Patalastas

Address

Tanauan
4232

Telephone

09228595129

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanauan City's Hope Business Ads Small and Medium Enterprise posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share