Barangay Bantug, Talavera N.E

Barangay Bantug, Talavera N.E Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Bantug, Talavera N.E, bantug, Talavera Nueva ecija, Talavera.

📚Matagumpay na naipamahagi ang libreng school supplies para sa mga mag-aaral ng Kinder, SPED, at Grade 1–6 ng Bantug Ele...
11/06/2026

📚Matagumpay na naipamahagi ang libreng school supplies para sa mga mag-aaral ng Kinder, SPED, at Grade 1–6 ng Bantug Elementary School, gayundin sa mga residente ng Barangay Bantug na nag-aaral sa ibang paaralan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito para sa ating mga kabataan. ❤️



10/06/2026

Magandang Umaga mga Kabarangay!

📣PAALALA📢

Sa mga wala pa pong naipapasa na 3 copies ng Valid ID na mga nakakuha ng Bigas na nasa Masterlist 1st and 2nd Batch

CUT OFF NA PO HANGGANG BUKAS !!

Ang hindi po makapagpapasa nag bigay na po kami ng Matagal tagal na Palugit kaya paumanhin po kung hindi kayo mabibigyan sa araw ng Payout pag ang ID nyo po ay hindi naka sumbit sa amin Salamat po GODBLESS 😇

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BANTUG 📢Simula ngayong Hulyo, ang hakot ng basura ay isasagawa na TUWING MIYERKUL...
09/06/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BANTUG 📢

Simula ngayong Hulyo, ang hakot ng basura ay isasagawa na TUWING MIYERKULES lamang.

♻️ MAHIGPIT NA IPINATUTUPAD ANG WASTE SEGREGATION ♻️

❗ STRICTLY NO SEGREGATION, NO COLLECTION ❗

Ang mga basurang hindi nakahiwalay sa nabubulok (biodegradable), di-nabubulok (non-biodegradable), at recyclable ay HINDI KOLEKTAHIN ng garbage collection team.

Layunin ng patakarang ito na mapanatili ang kalinisan ng ating barangay at makatulong sa wastong pamamahala ng basura.

✅ Siguraduhing maayos na nakahiwalay ang inyong basura bago ilabas sa araw ng koleksyon.
✅ Ilabas lamang ang basura sa itinakdang araw ng hakot.

Makikiisa po tayo upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!




08/06/2026

📣UPDATE📢
Magandang Tanghali mga Kabarangay 😊

FREE CAREGIVER COURSE
Sa mga nagpalista po para sa ating Free Caregiver Course pwde na po kayo magpa Enroll/Register bukas

June 9, 2026 9:00am
Jesus Christ Christian Church
Purok 1, Bantug, Talavera, Nueva Ecija

Bring your requirements
BARANGAY INDIGENCY
2x2 Picture (2pcs)
1x1 Picture (2pcs)
ADDITIONAL -- LETTER KAY GOV. KUNG BAKIT GUSTO MONG MAGING CAREGIVER

Sa mga nag bigay ng kanilang picture maari nyo na pong kuhanin sakin ngayong araw kasama ng inyong Barangay Indigency 😊😊

Maraming Salamat po Godbless😇😇

08/06/2026

Magandang Umaga po sa mga nagpalista po sa Barangay na mag aaral sa Elementarya maari na pong i claim ngayong araw ang inyong Free School Supplies.

Para lamang po ito sa mga mag-aaral na nag palista na HINDI mag aaral sa Bantug Elementary School na Residente ng Barangay.

Maraming Salamat po Godbless

05/06/2026

Magandang araw po.

Sa mga nagpalista po para sa Free Caregiver Course po natin mag pass na po kayo ng inyong requirements dahil nag cut- off na po ang palistahan. Sa mga wala pong Requirements pakidala na po ngayong araw salamat po Godbless 😇

📣PABATID📢Maari na pong mag pasa ang mga Second Batch na nakakuha ng Bigas ng inyong 3 Copies ng inyong Valid ID (Harap a...
03/06/2026

📣PABATID📢

Maari na pong mag pasa ang mga Second Batch na nakakuha ng Bigas ng inyong 3 Copies ng inyong Valid ID (Harap at Likod ng ID) at lagyan ng 3 pirma.

Maraming Salamat po Godbless

03/06/2026

Magandang Umaga po

Baka po may nakakita ng Wallet na kulay Blue at may nakatatak na Baguio mangyari po ipag bigay alam sa ating Barangay at hinahanap po ng may-ari pang bili po sana ng Gatas ng bata.

Banda sa Purok 4 to Purok 2 nahulog

Salamat po Godbless😊😊

📚🎒 LIBRENG SCHOOL SUPPLIES PARA SA MGA BATANG ELEMENTARYA! 🎒📚Ang Sangguniang Barangay ng Bantug ay magsasagawa ng pamama...
01/06/2026

📚🎒 LIBRENG SCHOOL SUPPLIES PARA SA MGA BATANG ELEMENTARYA! 🎒📚

Ang Sangguniang Barangay ng Bantug ay magsasagawa ng pamamahagi ng LIBRENG SCHOOL SUPPLIES para sa mga batang elementarya na nag-aaral sa ibang paaralan ngunit residente ng Barangay Bantug.

✅ Magpalista lamang sa Barangay Hall
✅ Magdala ng School ID o Certificate of Enrollment

📌 Ang iskedyul ng pamamahagi ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.

⏳ HANGGANG BUKAS LAMANG ANG PAGPAPAREHISTRO!

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Magtungo na sa ating Barangay Hall at magparehistro.

📍 Para sa mga residente ng Barangay Bantug lamang.





Address

Bantug, Talavera Nueva Ecija
Talavera
3114

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Bantug, Talavera N.E posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share