03/07/2026
๐ก ๐
๐๐๐ ๐
๐๐๐๐
Kapwa pinopondohan ng mga gobyerno ng Pilipinas at Japan ang Metro Manila Subway Project (MMSP) Phase 1, kung saan nakapaloob ang Contract Package 105 o ang BGC segment. ๐
๐ต๐ญ๐ฏ๐ต ๐ข๐๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ผ๐ฑ๐ฒ๐น
Sa ilalim ng financing model na Official Development Assistance (ODA), 76% ng kabuuang project cost na PHP488.5 bilyon ay ipauutang ng Japan sa atin sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency - Philippines Office (JICA). Katumbas ito ng kabuuang PHP370.8 bilyong loan package.
Pilipinas naman ang direktang popondo ng 24% ng project cost sa halagang PHP117.7 bilyon.
๐ฆ ๐๐ผ๐ฎ๐ป ๐ง๐ฒ๐ฟ๐บ๐
Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng apat na loan tranches ang JICA sa Pilipinas, na nilagdaan noong 2018, 2022, 2024, at 2026. Ang bawat tranche ay may kaakibat na annual interest rate, na may bahagyang pagkakaiba sa isaโt isa. Gayunpaman, nasa 0.80% lamang ang pinakamataas na annual interest rate sa ngayon bilang pagtalima sa diwa ng ODA.
Ang pautang sa Pilipinas ay may kabuuang maturity period na 40 taon, kabilang ang grace period na nasa pagitan ng 7 hanggang 13 taon, alinsunod sa mga probisyon ng bawat yugto ng pautang.
Magkakaroon pa ng mga karagdagang tranche upang maibigay ang kabuuang halaga ng loan.
โ๏ธ๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
Dahil JICA ang lender para sa proyektong ito, ilang hakbang ang nakapaloob para sa mas maigting at tapat na pamamamahala ng pondo. Kabilang na riyan ang pagtatalaga ng third-party General Consultant (GC) na nagsisilbing Engineer ng proyekto.
Bukod sa mahigpit na mga pamantayan at proseso para tiyakin ang kalidad sa lahat ng aspeto ng MMSP, bukas din sa publiko ang mga dokumento ng GCโmga hakbang na nagpapaibayo sa transparency at integridad ng tinaguriang โProject of the Centuryโ ng Pilipinas.