14/09/2025
π― πππ§ππ’ π‘π π‘πππππππ‘π§π π‘π ππππππ π‘π πππ₯π§ππππππ₯, π‘πππ₯ππ¦π§π’ π¦π π‘π¨ππ©π π©πππππ¬π
SANTIAGO CITY- Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Aritao Municipal Police sa pakikipagtulungan ng Fertilizer and Pesticide Authority ang tatlong indibidwal dahil sa pagbebenta ng hindi rehistradong fertilizers at agricultural growth hormones sa Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga suspek na sina βJemuelβ, 34 anyos; βAizaβ, 36 anyos at βFernandoβ, 45 anyos na mga residente ng Guimba, Nueva Ecija.
Nakuha ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P475,000 na halaga ng mga hindi rehistradong fertilizers at growth enhancers sa ginanap na operasyon.
Kabilang sa mga kinumpiskang mga produkto ay 40 bote ng 250ml Morbunga vitamin fertilizer, 80 bote ng 250ml Kill, 24 bote ng 500ml Berde Super Growth Hormones, at 80 bote ng 250ml Long Death.
Binigyang-diin ni FPA Executive Director Glenn Estrada ang kahalagahan ng operasyon dahil hindi nakarehistro sa FPA ang mga kontrabando at nangangahulugang hindi otorisado para sa distribusyon.
Kaugnay nito, pinuri ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang ipinatupad na hakbang at binigyang-diin ang panganib na maaring idulot ng mga nabanggit na mga produkto.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Yes2Health Products: