13/08/2026
PARA SA: Mayor, Konseho ng San Fernando, LTFRB, LTO, at mga Ka-TODA
PAGKAKAPANTAY-PANTAY SA BATAS: ORDINANSA LABAN SA KOLORUM AT PAGKAKAROON NG TINUKOY NA RUTA
Kami po ay mga lehitimong miyembro ng TODA na may prangkisa, rehistrado, sumusunod sa batas, at nagbabayad ng nararapat na buwis. Sa mahabang panahon, kami ay tapat na naglilingkod sa publiko — ngunit patuloy kaming napipinsala ng mga sasakyang walang pahintulot, walang sakop na ruta, at walang proteksyon sa pasahero.
Hinihiling po namin ang sumusunod na ORDINANSA AT PAGPAPATUPAD:
✅ 1. PIGILAN ANG MGA KOLORUM — Walang prangkisa, walang rehistro, walang insurance. Sila ay nagpapatakbo nang labag sa batas at hindi nagbabayad ng nararapat — kaya mas mura sila maningil ngunit walang kasiguraduhan sa kaligtasan. Hindi patas na kami ay sumusunod sa lahat ng patakaran habang sila ay malayang nagnanakaw ng aming kabuhayan.
✅ 2. ITAKDA ANG TINUKOY NA RUTA (POINT-TO-POINT) — Ang bawat sasakyan ay dapat may tiyak na sakop na ruta at hangganan. Kapag lumampas na sa hangganan, ito ay maituturing na SPECIAL TRIP — ibang singil, ibang kasunduan. Walang sinuman ang maaaring magpasahero nang lagpas sa kanilang sakop na ruta nang walang wastong pahintulot. Ito ay alinsunod sa RA 4136 at mga ordinansa ng lungsod.
✅ 3. HINDI NAAPEKTUHAN ANG PAMASAHE NG TODA — Ang itinakdang pamasahe ay dapat igalang. Walang sinuman — may prangkisa man o wala — ang maaaring maningil sa labas ng itinakdang taripa o agawin ang pasahero sa pamamagitan ng hindi patas na laban.
✅ 4. PANTAY-PANTAY NA PAGKAKATAON SA PAMAMAGITAN NG BATAS — Ang batas ay dapat para sa lahat. Kung ano ang ipinagbabawal sa amin, dapat ipagbawal din sa iba. Kung ano ang kinakailangan sa amin — prangkisa, insurance, rehistro, limitadong kapasidad — dapat gayundin sa lahat. Walang paborito, walang labis — lahat ay sumusunod sa iisang batas.