06/12/2022
Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 7 am -10 am at 5 pm-8 pm sa Disyembre 8, Huwebes, Feast of the Immaculate Conception of Mary.
Sa araw na ito, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 7 at 8 na sakop ng coding tuwing Huwebes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa nasabing mga coding hours.
Planuhin ang iyong biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.