04/09/2026
Yung may ganito kang helper. Peeeerrfect!
DRIVER #1: Di ko nga alam boss bakit yung mga cash out at mga huli sa byahe bawas sa allowance ko pero nagugulat ako nasa liquidation pa rin.
Ex Driver #4: Boss, nagulat ako bakit sinita ako ni madam sa 100 pesos na CHECKLIST FEE sa gulong nuon. Wala naman sinasabi sakin checklist sa SHOPEE. Tyka alam ko din di kasama yun sa checklist e. Tyka nakailangan helper na ako nung sya lang kasama ko naka dalawa byahe kami na 100 checklist gulong sa SHOPEE. Di ko rin alam yan e.
Driver #6: Mam sa totoo lang, kapag nasisiraan kami tuwang tuwa. Di ko nga alam bakit tuwang tuwa sya pag nasisiraan kami. Minsan nasiraan kami ng kable, antok pa sya nun. Bigla sumigla nung uutusan. Bakit kako ganun. Kaya inutusan sya bumili ng kable. Tapos ang lapit lang ng Tagum Nagulat ako sa liquidation 500 na agad ang tricycle nya balikan e wala pang 10 mins yun nawala. Meron din ngyari sa byahe namin madam na nakulangan yung pera pero di ko maisip san kami nagshort ng pera kasi parang 1500 din yun e dun lang naman nakalagay yung pera sa gitna ng truck.
Tapos nung byahe nga namin ng Dinagat sinabi nga patungan namin 1k yung ticket dahil para sa taga lakad kasi wala naman alam sila boss dyan sa byahe dyan.
Helper # 4: Sa totoo lang madam pag gumagawa kami sa garahe syempre tulong tulong kasi babyahe. Pag may inutos kami sa kanya, ipasa bya din sa iba.
Helper # 3: Naalala mo yung driver natin si M****N, tawa kami ng tawa. Alam na namin tamad to si helper. Pero dahil mautak sya at uto uto yung driver sinabihan nya "M****n, dali magsaing ka at magluto ka, videohan kita. Post ko to sa FB para makita ni madam at ma increasean ka ng sahod." E di tapoa etong si kumag na helper sarap ng kain.
Unknown: Naging pahinante ko po yan dati. Inutusan ko po bumili ng screw driver kasi may hihigpitan sabi ba naman sakin wag na sa garahe na. Tapos kumo yung truck namin ang daming sira di ko na din kinaya madam kasi nga di naman pwefr ako lang gagawa. Ang hiraap may kasamang tamad madam kaya umalis na din ako sa kumpanya na yun kung ganun rin lang makakasama ko kawawa ako. Pag may masisira daw sa truck wag daw ideclare sa byahe. Dun na sa garahe sabihin para di na sila gagawa. Tinuruan din ako pano magnakaw ng diesel.
Grabe sa mga balimbing! Ang daming balimbing!