23/06/2026
π’ HEADS UP, DELIVERY RIDERS AND OPERATORS!ππ»
Mas madali, mas propesyunal, at mas digital na ang proseso ng registration!
Bilang pagsuporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang tiwala ng publiko sa digital services at pabilisin ang digital transformation ng bansa, inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Phase 2 ng Private Express and Messengerial Delivery Service (PEMEDES) Licensing Portal upang itaguyod ang mas mataas na antas ng propesyonalismo, itaas ang pamantayan ng serbisyo, at palakasin ang proteksyon ng mga mamimili, habang pinapatibay ang tiwala ng publiko sa courier at delivery services.
Para mas mapabilis ang pag-access ng mga riders at operators sa bagong sistema, narito ang ang step-by-step guide sa pagrehistro:
Step 1: Magregister sa register.pemedes.gov.ph o bisitahin ang dict.gov.ph at iclick ang βServicesβ at piliin ang βPEMEDES Authority Documentation and Licensing.β
Step 2: Gumawa ng Rider account. Piliin ang rider registration option para sa pagsusumite ng application.
Step 3: Iverify ang application sa pamamagitan ng Facial Recognition.
Step 4: Pagkatapos mag-create ng account, magsumite ng application sa pamamagitan ng pag-fill in ng "All Required" sa personal information, employment information, driver's license, at vehicle information. Siguraduhin na tugma ang mga detalye sa National ID para makapagpatuloy sa next step.
Step 5: Ilagay ang vehicle type and plate number, at i-upload ang endorsement letter mula sa operator, bilang mandatory requirement.
Step 6: Suriing mabuti ang iyong aplikasyon. Pagkatapos i-click ang 'Submit'.
π Kapag naaprubahan na ang iyong aplikasyon, mag-log in sa PEMEDES portal at i-click ang βView QR Codeβ sa dashboard upang makita at ma-access ang iyong official PEMEDES Messenger Work License (MWL) Digital ID.
Siguraduhin na nakadisplay ang inyong MWL Digital ID habang nagdedeliver.
Sa PEMEDES portal, mas napapalakas ang pagkilala sa mga lehitimong delivery riders, napapadali ang pagsunod sa mga regulasyon, at mas napoprotektahan ang mga mamimili sa pamamagitan ng isang ligtas at mapagkakatiwalaang digital identification system.