21/09/2025
“ NAGSANIB PWERSA NA ANG DSWD AT PAO PARA TULUNGAN ANG SINGLEMOM NA KASUHAN ANG TATAY NA HINDI MARUNONG MAGSUSTENTO SA ANAK “
Lamang ang may alam‼️‼️‼️
May umiiral na inisyatiba mula sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) at PAO (Public Attorney’s Office) na tutulong laban sa mga tatay na hindi nagsusustento sa kanilang mga anak.
Ano ang Inisyatiba ng DSWD at PAO?
Noong Setyembre 2022, nilagdaan ni DSWD Secretary Erwin Tulfo at PAO Chief Atty. Persida Acosta ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para tulungan ang mga solo mothers at kanilang mga anak na walang sapat na sustento mula sa ama. ■ kung hindi susunod ang ama, isusumite ang kaso sa korte at tutulungan sila ng PAO sa representasyon
Ano ang Legal na Batayan?
Article 194 at 195 ng Family Code — nag-uutos na ang magulang ay obligadong magbigay ng suporta sa kanilang anak, kabilang ang pagkain, damit, edukasyon, at iba pa
Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act) — itinuturing na “economic abuse” ang hindi pagbibigay ng tamang suporta kahit may kakayahan itong gawin. Maaring kasuhan ang ama at maharap sa kriminal na parusa
Kung hindi matugunan ang obligasyon bukod sa civil liabilities, maari pa itong maharap sa criminal liabilities base sa RA 9262
DSWD — tinatanggap ang reklamo mula sa mga ina at maaaring magpadala ng paalala sa ama para magsimula ng suporta.
PAO — tutulong sa mga ina sa pagsampa ng kaso kapag hindi nagbago ang ama. Maaaring parusahan ang ama ng pagkabilanggo o multa na P100,000–P300,000
May legal na pahabol: ayon sa Department of Justice, ang pagpapadala ng demand letters mula sa DSWD ay maaaring lumampas na sa kanilang mandato. Dapat lamang ang korte ang mag-utos sa obligasyon ng ama. Kung papayagan man ang DSWD na magpadala ng paalala, dapat ito ay "factual lamang" at hindi tila legal na representasyon o pag-usig