02/05/2026
LOOK: EL NIDO BEACH, #1 SA WORLD’S BEST BEACHES LIST 🌴🇵🇭
Isang malaking karangalan para sa Pilipinas matapos manguna ang Entalula Beach sa El Nido, Palawan bilang #1 sa “The World’s Best Beaches” ranking!
Ayon sa ulat na ibinahagi ng SEA Infographics, ang listahan ay base sa boto ng mahigit 1,000 travel experts at tourism professionals mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kabilang sa Top 10 ang mga beach mula sa Greece, Australia, Maldives, at Fiji—ngunit namayagpag ang Palawan bilang pinakamahusay sa buong mundo. 🌊✨
📍 Top 10 Beaches:
1️⃣ Entalula Beach, Philippines 🇵🇭
2️⃣ Fteri Beach, Greece 🇬🇷
3️⃣ Wharton Beach, Australia 🇦🇺
4️⃣ Nosy Iranja, Madagascar 🇲🇬
5️⃣ East Beach, Fiji 🇫🇯
6️⃣ Shoal Bay East, Anguilla 🇦🇮
7️⃣ Dhigurah, Maldives 🇲🇻
8️⃣ Playa Balandra, Mexico 🇲🇽
9️⃣ Koh Rong, Cambodia 🇰🇭
🔟 Donald Duck Bay, Thailand 🇹🇭
Patunay ito na nananatiling isa sa mga pinakamagandang destinasyon sa mundo ang Palawan, na patuloy na dinarayo ng mga turista dahil sa malinis na tubig, puting buhangin, at natatanging likas na yaman.
📸 Source: SEA Infographics / The World’s Best Beaches