10/03/2026
Eco kolek
#๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ฒ๐๐๐ง๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง || ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ฆ๐ข๐ ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐๐ฌ, ๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐
๐๐๐ซ๐๐ก ๐, ๐๐๐๐
Mas pinaigting ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang mga hakbang laban sa lumalalang problema sa plastic wastes sa pamamagitan ng pagpaplano at pagpapalakas ng Circular Economy initiatives sa lungsod.
Lumahok ang 35 kawani mula sa ibaโt ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, mga kasapi ng Local Circular Economy Action Team, mga empleyado ng Project ZaccheusโEco-Kolek, at kinatawan ng panlalawigang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Extended Producer Responsibility (EPR) Action Planning Workshop na isinagawa ng United Nations Development Programme (UNDP) noong Marso 5โ6, 2026 sa Conference Room 2 ng New City Hall.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang implementasyon ng Green Circular Economy Project sa lungsod at makabuo ng Local EPR Capacity Building at Action Plan upang mas mapahusay ang pamamahala ng plastic wastes at iba pang recyclable materials.
Sa unang araw ng workshop, tinalakay ang kasalukuyang antas ng kamalayan ng mga residente hinggil sa waste segregation, partikular sa paghihiwalay ng mga recyclable materials tulad ng plastic.
Ayon sa City Environment and Natural Resources Office (City ENRO), may kaalaman ang maraming residente tungkol sa tamang paghihiwalay ng basura ngunit hindi pa ito lubusang naisasagawa. Ibinahagi naman ng Eco-Kolek na may tatlong purok sa Barangay Sicsican na nagsisilbing pilot areas ng kanilang inisyatibong waste segregation. Positibo umano ang naging pagtanggap ng mga residente sa nasabing mga lugar at aktibo na nilang isinasagawa ang paghihiwalay ng basura sa kanilang komunidad.
Sa ikalawang araw ng workshop, bumalangkas ang mga kalahok ng mga hakbang upang mas mapabuti ang waste management system ng lungsod. Layunin din nitong mapataas pa ang performance rating ng lungsod sa waste management mula sa naunang marka na 2.00 na umangat sa 2.4 sa pinakahuling pagtatasa. Kabilang sa mga iminungkahing hakbang ang paghihigpit sa paggamit ng single-use plastics sa mga tindahan, palengke, at mall, gayundin ang pagpapalawak ng modelo ng waste segregation na ipinatutupad sa Barangay Sicsican.
Napagkasunduan din na ang mga barangay ng Sicsican, Irawan, Sta. Monica, at Tiniguiban ang magiging pilot areas sa plastic waste collection program gamit ang tatlong bagong trak na ipinagkaloob sa ilalim ng EUโPH Green Economy Partnership.
Ang Eco-Kolek ang mangangasiwa sa koleksiyon ng plastic wastes habang ang City ENRO naman ang magsasagawa ng monitoring sa implementasyon ng programa. Ang Puerto Princesa ay kabilang sa unang sampung local government units sa bansa na napili upang makatanggap ng suporta at pondo mula sa EUโPH Green Economy Partnership. Inendorso ni Mayor Lucilo R. Bayron noong Marso 2025 ang naturang programa bilang bahagi ng mga prayoridad ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng waste management system ng lungsod.