Jek OTW

Jek OTW "another day, another problem"

24/05/2026

Strong bones matter at every age. 🦴

Get your FREE Bone Scanning at participating Mercury Drug Quezon City Trinoma Mall Level M1, 9:00 AM to 6:00 PM and take a simple step toward better bone health. Early screening can help you stay active, strong, and confident in your everyday life.

No pre-registration needed — walk-ins are welcome! Limited to the first 150 patients only.

20/05/2026

゚viralシ

19/05/2026

゚viralシ

30/04/2026

Sa sesyon nito ngayong araw, ika-29 ng Abril 2026, isinantabi ng ang petition for mandamus na inihain ni Catalino Aldea Generillo, Jr. (Generillo). Nilalayon ng petisyon na pilitin ang Senado na agarang magpulong bilang isang impeachment court para litisin ang mga sakdal laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Sa Desisyong 14-0-1 na isinulat ni Associate Justice Rodil V. Zalameda, sinabi ng Korte Suprema na hindi tamang remedyo ang mandamus na naglalayong magpatupad ng isang malinaw na legal na tungkulin. Nagpasya ang Korte na hindi maaaring baguhin o kontrolin ng Hudikatura sa pamamagitan ng mandamus ang mga aksiyon ng Senado sa loob ng sarili nitong saklaw. Bilang isang kapantay na constitutional body, labas sa kapangyarihan ng pagsusuri ng Korte Suprema ang pagganap ng Senado sa mga tungkulin nito maliban na lamang kung mayroong grave abuse of discretion.

Gayunpaman, partikular para sa kasong ito at alang-alang sa interest of equity, itinuring ng Korte Suprema ang petisyon bilang isang petition for certiorari at sinuri kung kumilos ba ang Senado nang labag sa batas o labis sa diskresyon nito nang hindi ito agad nagpulong bilang isang impeachment court habang nasa session break.

Salungat sa posisyon ng petitioner, napatunayan ng Korte Suprema na umaksiyon ang Senado sa reklamo ng impeachment sa tamang panahon.

Bagama’t itinatakda ng Konstitusyon na dapat kumilos sa loob ng tiyak na bilang ng mga araw ng sesyon ukol sa reklamo ng impeachment ang House of Representatives o Mababang Kapulungan, walang tinukoy na takdang panahon para sa Senado para simulan ang paglilitis. Isinasaad lamang nito na dapat ito ay “shall forthwith proceed” o agad na ituloy ang paglilitis na nag-iiwan sa Senado ng diskresyon pagdating sa tiyempo nito.

Nilinaw ng Korte Suprema na ang salitang "forthwith" sa Article XI, Section 3(4) ng Konstitusyon ay nangangahulugang sa loob ng makatuwirang panahon, na maaaring mas mahaba o mas maikli depende sa mga pangyayari ng bawat kaso. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa Senado na gawin ang mga kinakailangang paghahanda bago magpulong bilang isang impeachment court.

Bagama’t hindi nagtatakda ang Konstitusyon ng eksaktong petsa para sa paglilitis, dapat iwasan ng Senado ang hindi nararapat na pagkaantala para panindigan ang prinsipyo na dapat na may pananagutan sa mamamayan sa lahat ng oras ang mga opisyal ng bayan.

Itinuring ng Korte Suprema na moot na ang petisyon dahil nagsimula na ang Senado sa mga paghahanda para sa impeachment, at ang Articles of Impeachment laban kay Bise Presidente Duterte ay napawalang-bisa na ng Korte Suprema sa kanilang Desisyon noong Hulyo 25, 2025, at Resolusyon noong Enero 28, 2026, sa kasong Duterte v. House of Representatives. Itinuturing na moot ang isang kaso kapag naalis na sa anumang isyu ang mga sumunod na pangyayari kaya hindi na kinakailangan ang pasya ng Hukuman. Dahil wala nang natitirang Articles of Impeachment, wala nang dahilan ang Korte Suprema para utusan ang Senado na magpulong bilang isang impeachment court.

Nakiayon lamang si Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa naging resulta na moot na ang petisyon. Gayunpaman, nanindigan siya na dapat agad binuo ang impeachment court at dapat ang buong Senado at hindi lang ang Senate President ang nanguna sa pag-oorganisa nito. (Na-update ng ika-5:30 ng hapon, ngayong Abril 29, 2026.)

Hindi lumahok sa sesyon si Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa.

Ia-upload ang Desisyon at iba pang mga Opinyon kapag available na.

Basahin ang press briefer sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164510.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


30/04/2026

Yung 20 minutes ka nag antay ng booking tapus ganyan pa papasok, mas malayo pa PU sa DO plus heavy traffic pah,😁

24/04/2026

゚viralシ

23/04/2026

25/03/2026
24/01/2026

Good day mga tropa

Address

Pasig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jek OTW posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share