17/02/2026
Paglilinaw sa viral post ng isang pasahero ng RORO sa Port of Pasacao:
Magandang araw!
Noong nakaraang ika-15 ng Pebrero,2026, bandang alas 7 ng umaga, napagalamang sumakay ng STARHORSE SHIPPING (RORO) ang mga estudyante at kanilang mga magulang/guardian mula sa PIO DURAN papuntang SAN PASCUAL, MASBATE. Dala nila ay ang kanilang mga bagahe at mga gamit. Ayon sa post siningil umano sila ng mahigit 1k ng isa sa mga Porter sa Port of Pasacao. Napagalaman batay sa ginawang imbestigasyon ng PPA TMO-CAMARINES at DARUANAK PORT SERVICES CORP. sa nasabing pangyayari na ang kabuuang ibinayad ng pasahero ay Php. 1150.00. Ngunit taliwas sa nasabing post , ang Php. 850 ay bayad sa bagahe na sinakay sa loob ng RORO samantalang ang Php . 300 naman ay bayad sa PORTERAGE ng 2 kareta ng mga bagahe mula sa gate papunta sa loob ng barko.
Hindi saklaw nga PPA o ARRASTRE ang tarepa sa bayad ng mga bagahe o sasakyan na sinasakay sa RORO.
Pinapaalala sa lahat ng mga pasehero na byaheng PASACAO-SAN PASCUAL, MASBATE na ang Porterage ay OPTIONAL lamang.
Maraming salamat po.