20/10/2025
Gospel for Monday, October 20, 2025 (Gospel: Luke 12:13-21).
> “Hindi nasusukat ang tunay na buhay sa dami ng ari-arian natin, kundi sa kung gaano tayo mayaman sa Diyos.”
Repleksiyon:
Sa Ebanghelyo ngayon, pinaalalahanan tayo ni Jesus na ang buhay ay hindi nasusukat sa dami ng ating kayamanan o ari-arian. Madalas tayong abala sa pag-iipon ng mga bagay na pansamantala, ngunit nakakalimutan nating pagyamanin ang ating ugnayan sa Diyos at kapwa.
Ang tunay na yaman ay ang pusong marunong magpasalamat, marunong magbahagi, at handang tumulong sa nangangailangan. Sapagkat sa dulo, hindi madadala ng tao ang kanyang mga naipon sa mundo — tanging ang kabutihan at pananampalataya lamang ang mananatili.
Pagnilayan:
“Mas inuuna ko ba ang materyal kaysa sa espiritual? Paano ko napagyayaman ang aking ugnayan sa Diyos?” 🙏