24/10/2025
📌EXTENDED PNR ROUTE STARTING NOVEMBER
▪️Mula November 5, 2025 extended na hanggang Lupi Viejo ang ruta ng tren mula Naga City. Ang development na ito ay tugon sa utos ni Pangulong Marcos Jr. at Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez na pabilisin ang pag-aayos ng riles at mga istasyon ng tren upang marestore na ang biyahe ng tren mula Cam Sur patungong Quezon province.
Ayon kay Mr Deovanni Miranda, PNR General Manager, mas magiging mabilis at komportable na ang biyahe ng mga commuters dahil sa development na ito. Aabot na lamang sa 1 hour and 39 minutes ang biyahe na higit na mabilis kumpara sa ibang sasakyan na umaabot ng 2 hours.
Magsasakay at magbababa ng pasahero ang PNR sa mga istasyon sa Lupi Viejo, Sipocot, Libmanan, Pamplona at Naga. Gayundin sa mga flag stops sa Lupi Nuevo/Tapi, Malaguico, Azucena, Awayan, Mantalisay, Camambugan, Rongos, Malansad, Mambulo, Borabod at Sampaloc.
Sa nasabing ruta ay magkakaroon ng tatlong biyahe kada araw:
Naga to Lupi Viejo- 4:29 am, 9:49 am at 3:14 pm
Lupi Viejo to Naga-6:23 am, 11:43 am at 5:08 pm
Mula 15 pesos hanggang 75 pesos ang pamasahe sa tren at discounted ang mga estudyante, PWD at mga senior citizens.
News from Philippine National Railways