10/02/2026
Bro Donald Catonina & Sis Jean de Asis
Donald & Jean Love Story
Hello Brothers and Sisters in Christ,
Good Morning!
Una sa lahat sumali kami.sa Event na ito sa kadahilanang gusto namin maging inspirasyon sa mag asawahan kahit anong mangyaring mabigat sa Buhay Walang Bibitaw!
Bago kami nagkakkilala ni Brod Husband meron akong BF na sobrang seloso ng almost running 10 years relationship puro away at selos pero sabi nga sa kasabihan kung d talaga kayo tinadhana di talaga aayon ang Panahon!
Nakilala ko si Brod Hubby sa trabaho iisang kumpanya lang pinagtatrabahuhan namin na nagbebenta ng Office Furniture sa Pasig isa ako sa Sales Account Executive at sya naman Sa Production.
Sa Totoo lang my Bf pa ako ng nakilala ko sya pero dahil sa iba ang naramdaman ko sa kanyan iniwan ko ang Long Time BF ko. Hindi madali ang naging desisyon para sa akin kasi as in naghahabol pa at pinagtataguan ko pa talaga ang Long time Bf ko.
Pero sa huli wala naman sya magawa dahil buo na desisyon ko.
Hanggang sa kinasal na kami ni Brod Hubby. After 2 years binyayaan ng baby boy. Sa Awa ni Lord may Konting Ipon ng konti at nagtayo ng Business Buy and Sell ng Office Furniture. From Employee to Employer na ang status namin. Sobrang Bait ni Lord sa amin nakapundar kami ng Lote, Condo, kotse at iba pa. Sa totoo lang maliit lang simple lang hiling namin pero sobra sobra binigay.
Pero sinubukan kami ni Lord kasagsagang Covid tinamaan si Brod Hubby , nagka covid ang aking asawa at na confine ng almost 1 month sa Private Hospital sa Pasig. Masakit pa hindi ako pwde lumabas sa hospital kasi yan patakaran na need na maging negative result ng swab test ko bago makalabas. Awang awa ako sa asawa ko at lalo sa anak namin na kapatid ko ang mag aalaga dahil wala kami. For almost 15 days lumabas result at sobrang Buti ni Lord Negative ang swab Test ko! Halos lahat ng Doctor sa Hospital ng time na yon di makapaniwala sa result kasi halos lahat ng nagbabantay daw don positive! Grabeh iyakan namin kasi kay buti buti pa rin ni Lord sa amin. NAeed ko na lumabas sa Hospital at maiiwan ang asawa ko na halos di makalakad at DI kaya ang katawan dahil sa Covid at Diabetic pa!
Akala ko ma byuda na ako kasi ang Covid talaga nakakamatay at nakakapraning! Pero dumating ang 1 month kinaya ng asawa ko ang pagsubok sa loob ng hospital. Natalo namin ang Covid na halos maraming nagpaiyak sa Maraming pamilya! Gumaling sa Covid ang asawa ko! Sobrang Thank You Lord Halos maubos ipon namin mag 800k ang bill namin pero di ko na iniisip ang pera kahit masimut kami ang mahalaga mabuhay lang asawa ko.
Sa Sobrang Kabutihan ni Lord sa amin di namin akalain na ibalik ng Philhealth sa amin ang almost 700k na gastos namin sa hospital. Grabeh si LordDoctors Fee lang Binayad namin
Hanggang sa sinubok uli kami ng panahon kung san ang Tukso ay d talaga patalo! Pumasok kami sa ME Weekend na magulo buhay namin. Puro away at hamunan ng hiwalayan kasi di ko talaga matanggap ang ginawa at sobrang sakit!Muntik na magpakamatay si Brod Hubby dahil sa away namin lagi. Pero sobrang binaba ko na lahat Pride lahat na.
Kung hindi sa Christ in us nagbabalak na kami na maghatian ng lahat.
Pero dahil gusto ko mabuo ang pamilya ko at sa tulong ng Christ in us nagbago ang pananaw ko sa buhay na kailangan ko magpatawad. At isipin lahat ng Positive at masasayang Moments at Nakaraan namin. Sabi nga nila Everyone Deserves a second Chance.May mga times na nag aaway muna kami bago mag attend ng mga prayer meetings. Di maubos iyak ko tuwing reunion tuwing nag share.
Dahil naniwala ako na Babae ang dahilan kung bakit buo at matatag ang Pamilya dahil sa pagtitiis at pagpapatawad. Hindi man perpekto ang Buhay pero binigyan kami ni Lord ng chance na may mabago sa relationship namin.
Sa ngayon Buo ang pamilya namin at patuloy na maglilingkod sa community kung san tumatag ango Buhay Spiritual naming mag asawa.
Sana pagyabungin pa kami ni Lord at di kami Bibitawan.
Maraming salamat sa Opporunity na ito!God Bless!
Thank You Sis Jet and Bro Argie for bringing us here! Thank You SIs Michelle and Brod Boyet / Sis Edna and Brod Jim for the Team Couples Inspiration at kay Sis Mamita Susan at sa Shepherds namin of Class 106 Shep Lynette at Shep Leo sobrang Thank You sa lahat ng Gabay at Payo at sa lahat!
For this: The Best Way to Heal a Broken Heart is to to give God all the Pieces! He Heals!
That in all things, God maybe Glorified!