04/02/2026
Sa mga taga-Hagonoy, ano ang masasabi niyo sa panukalang ito? Sang-ayon ba kayo?
ππππ ππ πππ ππππππ ππ πππ-ππππππππππ: πππππππ ππππππ, ππππππππππππ ππππππππππππππ πππππ πππͺπππ ππππππ ππ ππππππ ππππ πππ ππππππππ ππππ!
Ika-2 ng Pebrero, 2026, sa ginanap na karaniwang pagpupulong ng Sangguniang Bayan, atin pong hinain ang Panukalang Kapasiyahan na nagmumungkahi sa ating Punong Bayan, Igg. Ma. Rosario Sy Alvarado-Mendoza, na pag-aralan ang pansamantalang pagsasara ng Bypass Road na sumasaklaw sa mga Barangay ng Sto. NiΓ±o, San Agustin, at San Sebastian.
Sa ilalim ng nasabing mungkahi, hinihiling ang pagbabawal sa pagdaan ng mga sasakyan sa naturang kalsada tuwing ππππππ¨ ππ ππ’π§π π π¨, mula alas-sais ng hapon hanggang alas-diyis ng gabi (6:00 PM β 10:00 PM).
Ang mga oras na ito ay itinuturing na dagsa ang ating mga kababayan upang mag-jogging, mag-walking, at magsagawa ng ibaβt ibang uri ng ehersisyo bilang bahagi ng kanilang healthy lifestyle.
Ang panukala pong ito ay suportado ng lahat ng mga nakadalo na miyembro ng Sangguniang Bayan.