14/04/2026
Dear Sandigan Crew and Staff,
Due to the recent fire incident in Navotas that started last Friday, air quality in some parts of Metro Manila, including Makati City, has been affected.
The smoke from the burned garbage may contain hazardous and harmful chemicals, which can pose health risks โ especially to children, the elderly, pregnant women, and those with respiratory or heart conditions.
As your health and safety remain our priority, we would like to remind everyone to take the necessary precautions and stay safe.
Wear your mask.
Thank you.
Paalala sa lahat ng taga-Makati.
Dahil sa sunog sa saradong Navotas Sanitary Landfill na nagsimula noong Biyernes ng gabi, Abril 10, apektado ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Makati. Ayon sa mga ulat, umabot sa "unhealthy" hanggang "acutely unhealthy" ang Air Quality Index sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ang usok mula sa nasusunog na basura ay maaaring maglaman ng mga nakakapinsalang kemikal na delikado sa kalusugan, lalo na sa mga bata, matatanda, buntis, at mga may sakit sa baga o puso.
Pinapayo ng lungsod ang mga sumusunod:
* Magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.
* Kung maaari, manatili muna sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pinto.
* Iwasan muna ang matagalang outdoor activities, lalo na ang exercise sa labas.
Kung nakakaranas ng ubo, hirap sa paghinga, o pangangati ng lalamunan, kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center.
Patuloy ang pagmo-monitor ng ating lungsod sa sitwasyon. Mag-ingat tayong lahat.