21/08/2026
SIKAD PILIPINAS | STRONG • INTELLIGENT • KNOWLEDGE • ACTION • DEDICATION
Hindi man ako totally nakapagtapos ng formal na pag-aaral, nagpapasalamat ako dahil naging “libro” ko ang kalsada at bawat probinsyang aking napuntahan. Sa bawat lugar, iba-iba ang kultura, tao at karanasan—lahat iyon naging bahagi ng kaalamang dala ko hanggang ngayon.
Ako si Neiljay Dela Cruz Matunding, 25 years old, mula Don Carlos, Bukidnon, Mindanao. Noong Enero 5, 2023, nagsimula ang aking paglalakbay at natapos ang aking road journey noong Hunyo 5, 2025 sa Buks Garage, Bangkal, Makati City. Sa loob ng dalawang taon at limang buwan, marami akong natutunan tungkol sa buhay, pakikitungo sa kapwa, kultura at responsibilidad.
Hindi ako nagsisisi sa aking naging landas. May willingness akong ipagpatuloy ang aking edukasyon sa pamamagitan ng ALS (Alternative Learning System) at Acceleration Formula Studies ng DepEd. Dahil ang pag-aaral ay hindi natatapos sa loob ng classroom—maaari rin itong magpatuloy sa bawat karanasan, pagkakamali at aral na ating isinasabuhay.
Naranasan ko rin ang bullying. Natutunan ko na hindi sapat ang puro salita—kailangan ng initiative at prevention. Sa isang lugar na aking naranasan, nagkaroon ng Council Task Force na nagroronda sa loob at labas ng paaralan, may mga hakbang sa seguridad, at may pakikipagtulungan ng g**o, barangay at komunidad.
Hindi rin natin kailangang sisihin agad ang Social Media sa bawat krimeng nangyayari. Maaari itong maging wake-up call upang palakasin ang batas, seguridad at kamalayan. Ang mahalaga ay may solusyon, may pananagutan at may pagkilos.
Kabataan, huwag nating sayangin ang oportunidad na matuto. Ang youth leaders ay dapat maging modelo—magbukas ng sports, activities, education at mga programang nagbibigay ng magandang direksyon sa kabataan. Hindi lang basketball ang sports; marami pang larangan kung saan maaaring matuklasan ng kabataan ang kanilang talento.
Huwag maging sobrang babad sa violent online games. Piliin ang mga aktibidad at larong nagbibigay ng kaalaman, disiplina, teamwork at skills na magagamit sa totoong buhay.
At higit sa lahat:
RESPETO AT MAHALIN ANG ATING MGA MAGULANG.
MAKINIG SA MGA G**O NA GUMAGABAY SA ATIN SA TAMA.
IGALANG ANG KAPWA MAG-AARAL.
DO YOUR BEST. HUWAG MAINGGIT. MAG-INITIATIVE.
Ang karunungan at edukasyon ay kayamanang hindi madaling manakaw. Kaya habang may pagkakataon, gamitin natin ito para maging mas mabuting tao at maging bahagi ng solusyon.
KABATAAN ANG SINAG NG PAG-ASA. HUWAG NATING SAYANGIN ANG ATING KINABUKASAN.
SIKAD PILIPINAS
Strong • Intelligent • Knowledge • Action • Dedication