28/01/2019
DAG DAG KAALAMAN: (1st issue)
FAQ: Paano magpadala ng bagahe galing ibang bansa?
Ito ang kadalasang tanong ng karamihan na gustong mag negosyo,mga OFW o pinoy nakatira abroad,ito po ang simpleng paliwanag namin;
Ang pag aangkat Or Importation ay maraming aspeto ito ay may mga tinatawag na INFORMAL, CONSUMPTION, PEZA/FREE-PORT ZONE, BONDED WAREHOUSE etc.. lahat pong ito ay medyo technical kaya mas minabuti po namin na ipaliwanag muna sa ngayon ang INFORMAL dahil ito ang palagiang transakyon na may concern sa customs:
FAQ:Ano nga ba ang INFORMAL importation?
ANS: dito po napapabilang ang mga bagahe gaya ng;
1.)OFW Balikbayan boxes
2.)Mga personal na gamit ng Filipino Returning Resident na hindi lalagpas sa Php 150,000
3.) alin man sa mga commercial cargo na di tataas ang presyo ng Php 10,000
4.) Mga Donasyon na gamit para sa nasalanta ng kalamidad.
5.) Mga importasyon ng mga kawani ng gobyerno.
Ang mga nabanggit na bagahe ay walang babayaran na Phil. Govt tax basta sundin lamang ang mga requirements na kinakailangan ng customs, at para po sa inyong kaalaman ang nasabing tax ay magkaiba sa Forwarder charges at freight na binabyran ninyo bago maipadala ang bagahe.
FAQ: Paano ako mag uumpisa?
ANS: Kung kayo ay isang OFW o Filipino Residing Abroad na nagbabalak magpadala ng bagahe sa mga mahal nyo sa buhay ay maari kayong makipag ugnayan sa isang lehitimo na Forwarding company na may kilalang counterpart agent sa Pilipinas at kunin ang detalye ng nasabing agent.
FAQ: Bakit tumatagal ang pagtanggap ng bagahe?
ANS: Ang pagpapadala ng bagahi ay kadalasan dinadaan sa tinatwag na CONSOLIDATION ito ang paglalagay sa isang Container ng mga bagahe na nakapangalan sa ibat ibang may ari, ang isang Forwarder ay nag iipon ng cargo para mapuno ang isang container at tsaka pa lamang ito ipapadala sa Pilipinas, kaya mas mabuti maghanap ng Forwarder na my regular na consolidation, ang maaring pag hold ng customs ay isa din sa nagpapatagal.
FAQ: Paano maiwasang magka problema sa customs?
ANS: Ang kadalasang problema sa customs ay ang sumusunod;
1.) hindi pag deklara ng tama
2.) may commercial value ang bagahe na tataas sa Php 10,000
3.) mga ipinagbabawal na bagahe.
4.) pag papadala ng balikbayan boxes na lalagpas sa tatlong besis kada taon.
Note: ang mga balikbayan boxes ay dapat naglalaman lamang ng mga pasalubong at mga personal na gamit at hindi dapat ginagamit pang negosyo, alinsunod sa batas ang isang kahon ay pweding lagyan ng hindi hihigit sa Php150,000 ng nasabing mga gamit.
{for immediate concern you may send your query to [email protected].}
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
OUR NEXT ISSUE:
Ang mga sumusunod na katanungan ay aming sasagutin sa susunod na pagpapatuloy ng diskusyon sa UNLI-TRANS Dagdag Kaalaman post.
FAQ: Paano magpadala ng sasakyan galing abroad?
( para sa mga nagtatrabaho o nakatira abroad na nag nanais mag parating ng sasakyan)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~