18/05/2026
Nagpasalamat si Mayora Ate Nancy Binay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdadala ng programang “Bawat Bayan Makikinabang” sa Makati na nagbigay ng tulong sa 13,571 pamilya at 115 presidential scholars sa lungsod.
Sa ilalim ng programa, makatatanggap ng rice assistance ang mga benepisyaryo habang mayroon namang educational support at community development assistance para sa mga barangay.
Patunay ito na sa pagtutulungan ng national at local government, mas maraming pamilyang ang maaabot ng serbisyong may malasakit at tunay na pakinabang.