30/01/2026
Mula sa panulat ni Mario Montesena Nombrado
(Mahaba pero makabuluhan)
—————————————————-
THE LITTLE CAVES OF MAJAYJAY
(Ang mga Mumunting Kuweba ng Majayjay)
May ibinaon daw na kayamanan noong Panahon ng Hapon? Kalokohan. May mai content lang at pagkakakitaan kahit walang katotohanan.
Sa dami ng mga blogs or vlogs ngayon, dapat ba silang paniwalaan kaagad?
Mula sa nabasa kong article sa OOTB-Out Of The Box Media Literacy Initiative, sabi do'n, "Vlogs can be significant sources of MISINFORMATION. The content creators can profit from high engagement and views. Social media algorithms prioritize content that keep users on the plaform longer, with false information that spread faster than factual reporting. It often lacks expert of filtering or fact-checking, allowing false claims to circulate freely."
Kaya ang nangyayari ngayon, mali 'yong nalalaman ng mga tao pero posibleng paniwalaan, eh paano naman ang katotohanan?, matatabunan na?, dahil sa maling impormasyong ipinalalabas at isinishare pa kaagad ng iba kaya kumakalat na.
By the way, what is MISINFORMATION? it is an honest mistake, error or a case of getting the facts wrong. Kaya MALI ang naibabalita.
Ano naman ang DISINFORMATION? a false information deliberately created and circulated with the intent to deceive and cause harm. MALI din.
Now, balik tayo sa maliliit na kuweba ng Majayjay.
Ayon sa aking sariling pagsasaliksik, ang mga maliliit na kuweba sa tabing kalsada ng "provincial road" paakyat sa deposito papuntang kabisera ng Sta. Cruz ay hindi talagang mga kuweba na may stalactites at stalagmites. Ito'y nagkaro'n lamang ng "opening" or pasukan na maaaring gawa rin lang ng mga tao noong nakaraang panahon. In 1976 during the shooting of the movie "Tatlong Taong Walang Diyos" sa bahay ng mga Pontiveros (Bahay ni Nora malapit sa kuweba) ay nakikita na ang maliliit na entrada ng kuwebang ito na natatakpan ng masukal na damo. Tanda ko na noon, during my grade school days in the mid 70's, kapag napapadaan dito ang pampasaherong dyip ng aming tatay, napapalingon ako sa madidilim na butas ng kuweba at nakakapanglaw sa lugar na ito noon.
Kahit noong 1980's during my term as KB President, walang napag-uusapan sa consejo municipal na may "hidden treasure" dito, kahit pa sa mga tala' ni Mayor Felix Gozo na isa ring historian ay wala kang mababasa tungkol sa kuweba na may kayamanang ibinaon ang mga Hapon.
Ayon din sa aking madalas makausap noong 1990's on my 1st term as councilor na si G. Artemio "Teming" Sobreviñas na dating Pambayang Hepe ng mga Tanod at nakatira sa kabila ng kalsada na malapit sa mga kuweba. Sabi niya, pinapasok ang mga kuweba noon dahil kinukunan ito ng mga buhangin at bato kaya nagkaroon ng mga espasyo sa loob. Maliban doon wala siyang ibang nababanggit na may nakabaong kayamanan dito at may mga "treasure hunting" na naganap.
Ayon pa rin sa mga alamat, may mga tanong na bakit nga ba kalimitan ay may mga kuweba malapit sa mga lumang tulay? Katulad ng Old Spanish bridge ng Olla na itinayo noong 1868 at nagiba noong October 30, 2009 dahil sa bagyong Santi. Ang sagot ay malamang totoo, na ang mga guwang na ito sa mga malapader na anyo ng lupa ang pinagkukunan ng mga adobe, apog at iba pang materyales sa paggawa ng tulay. Sa Puente del Capricho o Tulay Pigue na itinayo noong 1852 ay mayroon ding maliit na kuwebang katulad nito.
Kaya dapat ay iwasan ang paglikha o pag-imbento ng mga kuwentong haka-haka at walang malinaw na basehan na nagdudulot ng pagkalito sa mga nakakabasa at nakakapanood ng vlog. Huwag maniniwala kaagad.
Ang 2 salitang ginamit ng vlogger na GINTO at panahon ng HAPON' during WWII ay nakakaakit pakinggan at nagkakaroon ng interes ang mga viewers kahit wala namang katotohanan at 'yan ay maliwanag na pagkakalat ng MISINFORMATION at DISINFORMATION sa publiko tungkol sa mga kuweba ng Majayjay. Isa itong historical distortion na dapat ay kaagad nabibigyan ng babala at kaukulang aksyon ang mga vlogger thru municipal ordinance upang hindi tularan ng iba.
Salamat po.
MARIO M. NOMBRADO
Former Municipal Councilor and Tourism Officer@
Self-Made Local Historian
Maraming salamat sa grupo nina Kons. Edison Reyes EDison Sobreviñas Reyes at Kons. Dandred Eriga Dandred Ordoñez Eriga , may-ari ng mga lirato mula sa kanilang pag inspeksyon sa lugar. Ang "write up" na ito ay ipinasa ng inyong lingkod sa "Committee on Tourism" noong Dec. 10, 2025.