07/12/2021
Travel info from former spokesman and senatorial candidate Harry Roque
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) nitong Nobyembre 26, 2021, ang pagsuspinde sa inbound international flights na manggagaling sa South Africa, Botswana at iba pang bansa na may madidiskubreng kaso o posibleng may kaso ng B.1.1529 variant. Tatagal ang travel ban na ito hanggang Disyembre 15, 2021.
Ang mga international flight mula Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique ay suspendido rin hanggang Disyembre 15, 2021.
Ang mga pasaherong magmumula sa Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique, pati na rin ang mga pasaherong dumaan sa mga bansang ito sa nakalipas na 14 na araw at dumating sa Pilipinas bago mag-12:01AM ng Nobyembre 28, 2021, ay hindi pagbabawalan pumasok sa bansa, pero kakailanganin nilang dumaan sa facility-based 14-day quarantine period kahit na negatibo ang kanilang RT-PCR result.
Kasunod ng pag-anunsyo ng pinakahuling travel ban, hindi na kikilalanin ang pagsama sa Zimbabwe, Namibia at South Africa sa Green List na nakasaad sa IATF Resolution No. 148-A.
Source: Presidential Communications | https://bit.ly/3lf4sLX