Aklat NG Propisiya

Aklat NG Propisiya Rtv Random Travel Vlog is one of a kind of travel adventure with music and views. WELCOME ABOARD

15/04/2026

Kawikaan 16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)

16 Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi.
2 Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo.
3 Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.
4 Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan.
5 Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.
6 Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan.
7 Kapag kinalulugdan ng Panginoon ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan.
8 Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.
9 Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.
10 Ang haring pinapatnubayan ng Panginoon, palaging tama ang paghatol.
11 Ayaw ng Panginoon ang dayaan sa kalakalan.
12 Sa mga hari ay kasuklam-suklam ang paggawa ng kasamaan, dahil magpapatuloy lamang ang kanilang pamamahala kung sila ay makatuwiran.
13 Nalulugod ang mga hari sa mga taong hindi nagsisinungaling; minamahal nila ang mga taong nagsasabi ng katotohanan.
14 Kapag ang hari ay nagalit maaaring may masawi, kaya sinisikap ng taong marunong na malugod ang hari.
15 Hindi pinapatay ng hari ang taong sa kanya ay kalugod-lugod; pinakikitaan niya ito ng kabutihan gaya ng ulan sa panahon ng tagsibol.
16 Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.
17 Ang namumuhay nang matuwid ay lumalayo sa kasamaan, at ang nag-iingat ng kanyang sarili ay nalalayo sa kapahamakan.
18 Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak.
19 Higit na mabuti ang mamuhay nang may pagpapakumbaba kasama ang mahihirap kaysa sa mamuhay kasama ng mayayabang at makibahagi sa kanilang pinagnakawan.
20 Ang taong nakikinig kapag tinuturuan ay uunlad, at ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay mapalad.
21 Ang marunong ay kinikilalang may pang-unawa, at kung siyaʼy magaling magsalita marami ang matututo sa kanya.
22 Kapag may karunungan ka, buhay moʼy bubuti at hahaba; ngunit kung hangal ka, parurusahan ka dahil sa iyong kahangalan.
23 Ang taong marunong ay nag-iingat sa kanyang mga sinasabi, kaya natututo ang iba sa kanya.
24 Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at nakakapagpasigla ng katawan.
25 Maaaring iniisip mo na nasa tamang daan ka, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.
26 Ang kagutuman ang nagtutulak sa tao na magtrabaho.
27 Ang taong masama ay nag-iisip ng kasamaan, at ang bawat sabihin niya ay parang apoy na nakakapaso.
28 Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay.
29 Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan.
30 Mag-ingat sa taong ngingiti-ngiti at kikindat-kindat dahil maaaring masama ang kanyang binabalak.
31 Ang katandaan ay tanda ng karangalan[a] na matatanggap ng taong namumuhay sa katuwiran.
32 Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod.
33 Nagpapalabunutan ang mga tao upang malaman kung ano ang kanilang gagawin, ngunit nasa Panginoon ang kapasyahan

14/04/2026

BAKIT NAGKAKAGULO ANG MGA TAO AT BANSA? ANO ANG PANGUNAHING DAHILAN NG PAGKAKAWATAK WATAK AT PAGKAKANYA KANYA NG BAWAT BANSA AT TAO? ANO BA ANG MALI? MERON BA? TARA PO SAMAHAN NIYO AKO SA PAG UNAWA AT PAG ANALISA SA SISTEMANG UMIIRAL AT GAGAMITIN NATIN ANG PANG UNAWA NA MAY KATWIRAN AT KATUWIRAN.

Ang katawan ng tao ay nilikha ng diyos mula sa alabok. At ang buhay o hininga ng lahat ng tao ay nagmula rin sa diyos. Ang daigdig at ang lahat ng bagay na nandidito ay diyos din ang lumikha.
Samakatuwid bagamat nahahati ang daigdig sa maraming bansa ang katotohanan ay iisa ang diyos na nag mamay ari at lumikha nito.bagamat ang mga tao ay nahahati sa ibat ibang lahi at salita iisa parin ang diyos na lumikha ng katawan at pinagmumulan ng mga buhay.
Tayo ay binigyan ng diyos ng kanya kanyang kaisipan para gamitin sa pag unawa sa kanyang salita. At bagamat marami ang nagbabahagi , nagpapalaganap ng salita ng diyos, ang katotohanan ay iisa lang ang totoo at tunay na inatasan ng diyos upang sabihin sa tao ituro sa tao ang pamumuhay na naaayon sa kalooban ng diyos ama. Walang ibang inatasan para mangaral ng salita ng diyos tanging ang panginoong hesus lang.
Sa dami ng mga grupo, simbahan , ibat ibang leader pari pastor at iba pa. Bawat isa ay nagtatag ng pader ng di pagkakaunawaan. Bawat leader ay naghahangad na masakop ang lahat ng tao sa kanilang itinayong grupo at simbahan sa pag aakalang ito ay tama. Bagamat ang diyos din ang naging dahilan kaya dumami ang wika at bansa , hindi iniutos ng diyos sa sinuman man na magkanya kanya sa halip ang sabi niya bagamat marami ang sanga ay iisa ang puno. Ang utos ng diyos sa lahat ng tao at mamuhay kayo tulad ng isang malaya , subalit wag ninyong gawing dahilan ang kalayaan para sa pag gawa ng masama. Ibig sabihin lahat ay inaakay ng diyos sa tama at mabuti. Kaya nga tayo ay pinag isa sa katawan ng panginoong hesus.
Wala akong nakikitang mali sa mga sistemang umiiral kung bakit magulo ang tao at bansa. Iisa lang ang sigurado ako may kulang , napakakaki ng kulang sa pag unawa sa katwiran at katuwiran ukol sa mga salita ng diyos. Kaya ang mga tao ay hindi ganap at lubos ang pagsamba at pag sunod sa diyos.

KUNG IIRAL SA LAHAT NG BANSA ANG KATWIRAN AT KATUWIRAN NA SIYANG IBIG IPAUNAWA NG DIYOS SA LAHAT NG TAO. ANG KATAHIMIKAN, KAPAYAPAAN, AT MAGANDANG PAKIKITUNGO SA BAWAT BANSA LAHI AT WIKA AY MAKAKAMTAN.

ANG MALAKING PROBLEMA AY KUNG PAANO ITO PAIIRALIN.

Maraming naniniwala at sumasamba sa diyos. Pero ang sinusunod at pinaniniwalaan ay ang kagustuhan ng kanilang leader at ...
12/04/2026

Maraming naniniwala at sumasamba sa diyos. Pero ang sinusunod at pinaniniwalaan ay ang kagustuhan ng kanilang leader at hindi ang kagustuhan at kalooban ng panginoon.

Sa pagnsunod at pagsasabuhay  sa salita ng diyos ay kailangang gamitin ang pag unawa sa katwiran at katuwiran. Dito mo m...
12/04/2026

Sa pagnsunod at pagsasabuhay sa salita ng diyos ay kailangang gamitin ang pag unawa sa katwiran at katuwiran. Dito mo malalaman kung ang pag sunod at pagsamba mo sa diyos ay naaayon sa kanyang kalooban o hindi.

Ikaw paano ka sumasamba sa diyos? At paano mo pinatutunayan sa diyos ang katapatan mo sa kanya?       ゚
12/04/2026

Ikaw paano ka sumasamba sa diyos? At paano mo pinatutunayan sa diyos ang katapatan mo sa kanya?

Ang death penalty ay isang desisyon  na direktang sumusuway sa banal at kataas taasang diyos. Kung maisasabatas ang deat...
11/04/2026

Ang death penalty ay isang desisyon na direktang sumusuway sa banal at kataas taasang diyos. Kung maisasabatas ang death penalty, matutupad na ang nakasaad sa aklat ng propisiya ang bibliya, kung saan ay nakasulat ito. "Kapag nakita ninyong naganap na sa dakong banal ang kasuklam suklam na kalapastanganang tinutukoy ni propeta daniel"
Ang batas ay isang sagrado na pinaiiral ang tama at kabutihan alinsunod sa mga utos ng kataas taasang diyos. At ang pagpapatupad sa death penalty ay isang malawakang pagsuway, at ito ay magiging kasuklam suklam sa kataas taasang diyos.

ANO ANG BATAS NG DIYOS?     SINABI NI HESUS , KUNG ANG BAHAGI NG INYONG KATAWAN AY SANHI NG INYONG PAGKAKASALA. MABUTI P...
06/04/2026

ANO ANG BATAS NG DIYOS?

SINABI NI HESUS , KUNG ANG BAHAGI NG INYONG KATAWAN AY SANHI NG INYONG PAGKAKASALA. MABUTI PANG ALISIN ITO, KESA SA BUONG KATAWAN ANG MAPUNTA SA IMPIYERNO.

PAANO BA ITO DAPAT ISAKATUPARAN NG GOBYERNO?

UNA, BAGO ANG PAGHAHATOL SA ALINMANG KRIMEN , DAPAT AY MAY ISA HANGGANG TATLONG TESTIGO NA NAKASAKSI SA PANGYAYARI KALAKIP ANG MGA EBIDENSIYA.

PAGSASAKATUPARAN;
KUNG ANG KASO NG SUSPEK AY PAGPATAY, MAPAKUTSILYO O BARIL ANG GINAMIT. DAPAT SIYANG PUTULAN NG BRASO NA SIYA NYANG PINANG HAWAK SA ALINMANG ARMAS. DEPENDE SA HATOL AT SA LAKI NG KRIMEN NG PAGPATAY. PUWEDE SIYA ALISAN NG PAA. AT MATA.

SA MGA GUMAGAWA NG KUWENTO NA MAPANIRANG PURI O PAGSISINUNGALING GAYA NG PAG SAKSI SA ISANG KRIMEN PARA PAGTAKPAN ANG KATOTOHANAN, ALISAN NG DILA AT MATA.

ANG MGA OPISYAL NG GOBYERNO NA MASASANGKOT SA PANGUNGURAKOT AY ALISAN NG DALAWANG MATA.

SA KASONG PANG GAGAHASA AY ALISAN NG ARI KAMAY MATA PAA AT KAMAY. SA MGA MAGNANAKAW , HOLDAPER, ISNATSER AY GANUN DIN ANG GAWIN.

SA MGA NAGBEBENTA NG IOINAGBABAWAL NA GAMOT ALISAN SILA NG MATA, ISANG KAMAY , ISANG PAA. KUNG WALA NG NAGBEBENTA WALA NG ADIK NA MAKAKA GAMIT NG IPINAG BABAWAL NA DROGA.

SA BAWAT MAHAHATULAN PAGKATAPOS IGAWAD SA KANILA ANG PARUSA , SILA AY BAGO NG TAO AT BURADO NA ANG MALING NAGAWA NILA. KUNG PAULIT ULIT ANG PAGKAKASALA ,PAULIT ULIT DIN ANG PARUSA.

SA GANITONG BATAS MATUTUPAD AT MASUSUNOD ANG SINABI NG DIYOS SA AKLAT NG EZEKIEL. " HINDI KO IBIG NA. ANG MGA MASASAMA AY MAMATAY , ANG IBIG KO SILA AY MABUHAY AT MAGBAGO NG LIKONG GAWAIN.

MALAKI RIN ANG MATITIPID NG GOBYERNO SA GANITONG PARAAN. DAHIL ANG GASTOS LANG AY GAMOT AT PAGPAPAGALING SA MGA BAHAGING PINUTOL NG MGA MAY SALA. HINDT TULAD NG BILANGGO SA HATOL NA 20YEARS GANUN KATAGAL NILA PINAKAKAIN AT PINOPONDOHAN ANG PRESO.

KUNG MAIPAPATUPAD ITO MALAKING PAGBABAGO ANG MAGAGANAP AT IIRAL NA ANG PATAS AT PANTAY NA PAGTINGIN SA KAPWA.

PAYAG KA BA?

Lagi ka bang bigo sa pakikipag relasyon? Sa diyos ka muna makipag relasyon para malaman mo kung ano ang kahulugan ng tot...
06/04/2026

Lagi ka bang bigo sa pakikipag relasyon? Sa diyos ka muna makipag relasyon para malaman mo kung ano ang kahulugan ng totoong pag ibig na hinahanap mo sa gusto mong maka relasyon.

Address

Laguindingan
9000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aklat NG Propisiya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share