05/02/2026
π GABAY PARA SA MGA BAGUHAN SA TRUCKING / LOGISTICS BUSINESS
Disclaimer:
Hindi po ako expert. Base lang ito sa personal experience ko sa logistics. Layunin ng post na ito na magbigay linaw at maiwasan ang maling akala sa ganitong negosyo.
Tatalakayin natin:
β’ Direct Contracting vs Subcontracting
β’ Mga maling akala sa subcon
β’ Cash bond vs pondo (payment terms)
βββββββββββββββββββ
β
DIRECT CONTRACTING vs SUBCONTRACTING
Direct Contracting
Ikaw mismo ang may direct na kontrata sa kumpanya.
Halimbawa: may kontrata ka direkta kay Shopee o sa mga courier tulad ng SPX, J&T, 2GO, XDE.
Subcontracting (Subcon)
Ipapasa saβyo ang trabaho ng isang contractor.
Halimbawa: papasok ka kay SPX/J&T para mag-deliver β subcon ka nila.
Kung kukuha ka pa ng sariling rider/driver β subcon mo naman sila (2nd level).
π Tandaan:
Hindi kailangan madaming unit o malaking puhunan para makapag-direct. May mga kumpanyang tumatanggap basta kumpleto ang requirements:
Karaniwang requirements:
β’ Business Permit / BIR
β’ May PA (for hire) ang sasakyan
β’ Marine Insurance
β’ Cash Bond
Sa subcon naman, minsan sasakyan lang okay na.
βββββββββββββββββββ
β
MGA MALING AKALA SA SUBCON
β βKawawa sasakyan mo, hindi ka kikitaβ
β Depende sa kumpanya ang rate. Bago pumasok, aralin muna kung sulit ang kita at kaya mo ang trabaho.
β βGinagatasan ka lang ng subconβ
β Lahat ng negosyo may commission. Ang subcon may serbisyo din:
β’ sila nagha-hire
β’ sila nagte-train
β’ sila nagma-manage
β’ sila may liability sa main company
β’ sila nagbabayad ng tax
Kaya mas makaka-focus ka sa delivery.
β βScammer karamihan ng subcon, di nagbabayadβ
β May mga scam talaga, pero maiiwasan ito kung:
β’ i-verify kung accredited sila
β’ alamin ang policies
β’ sundin ang requirements (proof of delivery, tamang proseso). May mga company na nag papataw ng penaties sa hindi pag sunod ito normally ay requirement din sa subcon.
Minsan hindi nababayaran dahil may hindi nasunod na rules o kulang sa dokumento.o nag patong patong na penalties
π Basahin lagi ang kontrata at policies bago pumasok. Kasalanan mo nay an pag at the end hindi ka nabayaran sa hind imo pag sunod.
βββββββββββββββββββ
β
CASH BOND vs PONDO
Cash Bond
Pera na iiwan mo bilang guarantee.
Makukuha mo lang kapag umalis ka na.
Gagamitin ito kung may damage, penalty, o problema sa delivery.
Pondo / Payment Terms
Ito ang pagitan bago ka sumahod. Parang empleyado na sumasahod monthly.
Halimbawa: 4 weeks terms
Week 1 β wala pa
Week 2 β wala pa
Week 3 β wala pa
Week 4 β wala pa
Week 5 β bayad ng Week 1
Week 6 β bayad ng Week 2
β¦ tuloy-tuloy na
Normal ito kahit direct o subcon. May ibang kumpanya 1β3 months pa ang terms.
π Rule of thumb:
Huwag pasukin kung wala kang sapat na puhunan pang-abono (diesel, sweldo ng driver, maintenance, etc.)
Kung gusto mo agad kita, pwede sa Lalamove/Transportify na mas mabilis payout.
βββββββββββββββββββ
β
PAALALA BAGO PUMASOK SA NEGOSYO
β Siguraduhing legit ang kumpanya
β Alamin ang serbisyo at workload (cargo, dami, loading time, penalties)
β Siguraduhing kaya ng puhunan ang payment terms
β Tanungin ang may experience na para may idea ka sa diskarte at problema
βββββββββββββββββββ
π‘ Bottomline:
Hindi masama ang subcon o direct. Nasa tamang kaalaman, tamang kumpanya, at tamang pag-compute ng kita yan.
Mag-research muna bago sumabak para iwas lugi.
Sana makatulong ito sa mga gustong pumasok sa trucking/logistics. π
Credit to the owner of this post,, god bless,