05/10/2025
"NANAWAGAN NG MASS RESIGNATION!"
Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ng sabay-sabay na pagbibitiw ng lahat ng matataas na opisyal ng pamahalaan — mula sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senado, hanggang sa Kongreso — upang bigyang-daan ang snap elections sa gitna ng lumalalang kawalan ng tiwala ng publiko sa gobyerno.
Ayon kay Cayetano, panahon na upang magsimula muli ang bansa at bigyan ng pagkakataon ang mga bagong lider na muling makuha ang tiwala ng taumbayan.
“Nawala na ang tiwala ng mga tao sa gobyerno at sa mga opisyal nito. Sa totoo lang, sino ba ang masisisi sa kanila?”
(“People have lost trust in government and government officials. Honestly, who can blame them?”)
Dagdag pa ng senador, isang radikal pero makabuluhang hakbang ang kailangan upang maibalik ang kredibilidad ng pamahalaan.
“Kaya heto ang naisip ko: paano kung lahat tayo mag-resign at payagan ang isang snap election? Mula sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senado, at Kongreso. May isang mahalagang kondisyon — walang incumbent mula sa mga nabanggit ang maaaring tumakbo sa loob ng isang election cycle.”
(“So here’s a thought: What if we all just resign and allow a snap election? From the President, Vice President, Senate and Congress. With one important addition — no incumbent from the above can run for one election cycle.”)