05/04/2026
Magandang araw po sa lahat.
Ako po si Lance Ordoñez, ang organizer ng naturang event. Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa aming mga guest noong April 2, 2026, lalo na po kina Ma’am Jen at Ma’am Mhay Mae.
Noong tanghali ng April 2, nag-chat po sa akin si Ma’am Mhay Mae. Pinakinggan ko po ang kanyang mga hinaing at agad ko rin pong binigyan ng aksyon. Medyo gumaan po ang aking pakiramdam dahil nagkaunawaan po kami. Maraming salamat po, Ma’am Mhay Mae.
Pagsapit ng gabi ng April 2, pinuntahan po ako ng aking driver sa kubo malapit sa kitchen at sinabi na nagkaroon daw ng gulo at sigawan sa mga pax. Kinausap ko po sila at ipinaliwanag ang sitwasyon. Alam ko pong mali ang aking coordinator, at hindi po namin iyon tinotolerate. Siya mismo ay nag-sorry sa akin, ngunit sinabi ko na dapat siya mag-sorry kay Ma’am, hindi sa akin.
Ayon kay Andrea, isa sa aking coordinator, nakausap na raw po niya si Ma’am Jen at maayos na po ang lahat. Hinatid ko rin po sila sa Atilana at kinausap si Ma’am Janna tungkol sa nangyari. Totoo po, sunod-sunod ang aking mga mensahe dahil sobrang bigat po ng aking pakiramdam.
Tungkol naman po sa boat:
Matagal na po naming ginagamit ang bangka sa Maniwaya, na dati ay nagkakahalaga ng ₱10k–₱12k para sa dalawang van kada boat. Ngunit bigla pong nagtaas ng rate ang mga bangka at binawasan ang sakay, ₱11k–₱15k na lang pero para sa 11–20 pax, kaya isang van na lang per boat. Sumunod po kami sa patakaran dahil ito po ay utos ng coast guard, at wala po kaming magagawa lalo na’t mataas din ang presyo ng diesel.
Inaamin ko po na nagkulang kami sa maraming aspeto—sa coordination, sa staff, sa food, at sa iba pa. Hindi po namin idinideny na nagkulang kami sa inyo. Mabigat po sa loob ko dahil sanay naman kami weekly na mag-handle ng malalaking grupo, pero ngayon ay nagkaroon ng gulo at maraming reklamo. Sobrang disappointed din po ako sa aming serbisyo.
Muli, humihingi po kami ng patawad sa aming pagkukulang. Ginagawa ko po ito hindi para agad maging maayos ang lahat, kundi para iparamdam sa inyo na hindi po kami masamang tao. Bilang isang single parent, naaapektuhan na rin po ang aking mga anak sa mga nangyayari. Nadurog po ang puso ko nang marinig ko sa anak ko: “Mommy, magsalita ka naman at sabihin ang totoo sa lahat.”
Oo, nagkamali po kami. Oo, may pagkukulang po kami. Pero muli, patawad po 🙏. Lahat ng inyong napansin ay bibigyan namin ng pansin. Open po kami sa lahat ng inyong suhestyon at improvement.
Masira man ang negosyong ito na sinimulan ko para sa aking apat na anak, mas mahalaga po sa akin ngayon na humingi ng tawad at mapaluwag ang inyong kalooban. Ano man pong hatol ang tingin ninyong deserve namin sa inyong galit at inis, tatanggapin po namin nang maluwag.
Muli, mula sa aming buong team: Patawad po 🙏 God bless po sa inyong lahat.