ALATODA

Directions

ALATODA PUBLIC TRANSPORT SERVICE

Lets Go!
29/09/2026

Lets Go!

Konsehal Timoner Jeffrey
11/09/2026

Konsehal Timoner Jeffrey

Ready Na💯Hanap po Ka tune up jan sa mga Katoda
29/08/2026

Ready Na💯
Hanap po Ka tune up jan sa mga Katoda

26/08/2026

₱𝟮𝟬 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗘𝗧, 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔—𝗣𝗘𝗥𝗢 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗔𝗚𝗔𝗗 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢!

Ayon kay Jasper von Villaluz, Daet-TRU Head, inaprubahan na ng Sangguniang Bayan ang tricycle fare hike, ngunit kailangan muna itong mapirmahan ng alkalde at sumailalim sa 10 araw na publication bago mag-take effect.

“𝙆𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙥𝙤 𝙣𝙜 10 𝙙𝙖𝙮𝙨 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙥𝙤 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙢𝙖𝙜-𝙩𝙖𝙠𝙚 𝙚𝙛𝙛𝙚𝙘𝙩. 𝙎𝙤 𝙝𝙞𝙝𝙞𝙣𝙩𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙥𝙤 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣, 𝙢𝙖𝙥𝙚𝙧𝙢𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙥𝙤 𝙣𝙞 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧, 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙥𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 10 𝙙𝙖𝙮𝙨 𝙣𝙖 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣.”

Samantala, itinakda sa ₱15 ang pasahe para sa senior citizens, PWDs at estudyante, habang ₱1 ang dagdag sa bawat succeeding kilometer.

𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮: Hindi pa maaaring awtomatikong maningil ng ₱20 hangga’t hindi natatapos ang kinakailangang proseso.

18/08/2026

BAKIT SA TRICYCLE DRIVER LANG GALIT ANG LAHAT?

Bago natin batikusin ang mga tricycle driver sa paghiling ng makatarungang pasahe, sana ay tingnan din natin ang realidad ng aming kabuhayan.

Kapag tumataas ang presyo ng gasolina, kasabay nitong tumataas ang presyo ng karne, gulay, isda at iba pang pangunahing pangangailangan sa palengke. Pero kapag nagmahal ang mga ito, wala namang public hearing para sa bawat pagtaas, at hindi rin ganoon kabigat ang pambabash sa mga nagtitinda.

Bakit kapag tricycle driver ang humihiling ng dagdag-pasahe, kami agad ang napupuna at binabatikos?
Tricycle driver din ay bahagi ng publiko. May pamilya, may gastusin, may maintenance, may piyesa at may araw-araw na puhunan para lamang makapasada.

May mga anak din kaming nag-aaral at araw-araw na sumasakay. Pero kapag patuloy na nababawasan ang kinikita namin dahil sa tumataas na gastos, sila mismo ang unang naaapektuhan. Kumakapos kami sa pambayad sa kanilang pamasahe, baon, pagkain, proyekto at iba pang pangangailangan sa pag-aaral.
Kaya bago tayo manghusga, sana ay isipin din natin: kapag kinapos ang driver, hindi lang driver ang naaapektuhan—pati ang kanyang pamilya at mga anak.

Hindi kami humihingi ng dagdag-pasahe dahil gusto naming kumita nang sobra. Ang hinihingi namin ay makatarungan at sapat na pasahe para patuloy kaming makapaghanapbuhay nang hindi tuluyang nalulugi.

Hindi namin hinihingi na kampihan kami. Hinihingi lang namin ang patas na pag-unawa.
Hindi kalaban ng pasahero ang driver. Pareho tayong apektado ng pagtaas ng presyo.

RESPETO SA PASAHERO RESPETO SA DRIVER!

Kung kanino man po ito Naiwan po sa Tricyle  # 2718 Driver Loreto De los Reyes
16/08/2026

Kung kanino man po ito Naiwan po sa Tricyle
# 2718 Driver Loreto De los Reyes

Address

Alawihao
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALATODA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed transport service?

Share