20/01/2022
Hiniling ni Cardinal Tagle na dasalin ang disertasyon na inilabas ng Santo Papa Francisco... para sa pagtatapos ng pandemya. Mangyaring dasalin ito bilang isang pamilya...
(salin mula sa wikang Ingles)
Itigil ang iyong ginagawa, iyuko ang iyong ulo at sabihin ang panalanging ito:
Amang Walang Hanggan, pinatigil Mo ang buong mundo sa pag-inog.
Pilit mong pinatahimik ang ingay na nilikha naming lahat sa paligid.
Pinaluhod mo kami at nagsumamo ng mga himala. Isinara Mo ang Iyong mga Simbahan upang mapagtanto namin kung gaano kadilim ang aming mundo kung wala Ka.
Pinangayupapa Mo ang mapagmataas at makapangyarihan. Bumagsak ang ekonomiya, nagsasara ang mga negosyo.
Ipinagmamalaki naming isipin na lahat ng mayroon kami, lahat ng pag-aari namin, ay bunga ng aming pagsusumikap. Nakaligtaan namin na ang Iyong biyaya, ang Iyong awa, ang gumawa sa amin kung sino kami at ibinigay sa amin ang lahat ng mayroon kami.
Kami ay balisa sa paghahanap ng lunas para sa sakit na ito, na sa katunayan ay kailangan naming magpakumbaba at humingi ng gabay at karunungan mula lamang sa Iyo.
Nabubuhay kami na parang narito sa Lupa magpakailanman, na parang walang Langit, walang Purgatoryo, walang Impiyerno.
Marahil ang virus na ito ay ang Iyong tanging paraan ng paglilinis ng aming mga kaluluwa, upang kami ay manumbalik sa Iyo.
Ngayon, habang lumalaganap ang mga salitang ito sa internet, nawa'y ang lahat ng makababasa ay magkaisa ang mga puso at kamay sa panalangin, humihingi ng kapatawaran, humihingi ng kagalingan at proteksyon laban sa virus na ito, ngunit higit sa lahat, humihiling na ang Iyong Banal at Dakilang Kalooban ang siyang maghari at hindi ang amin.
O DIYOS kami ay nagsusumamo sa Iyo, loobin Mo na kami’y maligtas mula sa lahat ng kasamaan sa mundo.
Ama, matiyaga Mong hinihintay na iharap namin ang aming mga mukha sa Iyo, upang pagsisihan ang aming mga kasalanan. Ikinalulungkot namin ang aming pagbibingi-bingihan sa Iyong boses! Sa aming pagiging makasarili, madalas nakakalimutan na namin na Ikaw ay DIYOS!!
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na patuluyin ka sa aking tahanan, ngunit isang salita mula sa iyo ay sapat na upang pagalingin ako! Kailangan mo lamang sabihin Panginoon ang Salita at ang aming mga kaluluwa ay gagaling.
Hinihiling namin sa Iyo ang kagalingan at kalayaan sa pangalan ni Hesus, sa pamamagitan ng walang hanggang kabutihan ng Kanyang Kabanal-banalang Puso at ng Mahapis at Kalinis-linisang Puso ni Maria.
Amen.
IBAHAGI ANG PANALANGIN NA ITO SA LAHAT NA UMAASANG MAGWAWAKAS ANG PANDEMYA SA AWA AT PAGPAPALA NG MAYLIKHA!