LABAN TNVS

LABAN TNVS LABAN TNVS is a movement of various communities and alliances of transport network vehicle services
(252)

26/04/2026
📢KA-TNVS, mga tsuper, riders, operators at buong sektor ng transportasyon, sumama sa May 1 Transport Caravan!📢 -6:00 AM-...
25/04/2026

📢KA-TNVS, mga tsuper, riders, operators at buong sektor ng transportasyon, sumama sa May 1 Transport Caravan!📢

-6:00 AM
-UP University Avenue, Quezon City

Sa tuloy-tuloy na taas ng presyo ng langis, mababang kita at lumalalang pasanin sa pasada, panahon nang magkaisa at kumilos.

Hindi hiwalay ang laban ng transport sector sa laban ng manggagawa at mamamayan. Kapag tumataas ang langis, lumiit ang kita ng drayber, tumataas ang bilihin at bumibigat ang buhay ng lahat.

Ipanawagan natin:

1. Tanggalin ang VAT at excise tax sa petrolyo
2. I-roll back ang presyo ng krudo sa ₱55/litro
3. Ibasura ang Oil Deregulation Law at magpatupad ng price control
4. Makatarungang fare hike at ₱1,200 family living wage
5. Isabansa ang industriya ng langis
6. Itigil ang gerang agresyon ng US na nagpapalala sa krisis

Ipakita ang lakas ng nagkakaisang transport sector. Sama-sama sa kalsada, sama-sama sa laban!



Sa mga kagulong na nais makilahok mag bigay ng mensahe sa ating kasamahan na si
Glenford Philip Rosales Artuz - 0995-9861823

kapag TNVS pwede naman kasi padaanin sa GCASH bank Transfer at iba pa!!!kung gusto nyo mag papogi at mag papicture kayo ...
19/04/2026

kapag TNVS pwede naman kasi padaanin sa GCASH bank Transfer at iba pa!!!

kung gusto nyo mag papogi at mag papicture kayo mag deposit ng mano mano.

NAKAMAMATAY ANG MAGING MAHIRAP!

Nakikiramay ang Defend Jobs Philippines sa pamilya ng rider na nasawi habang nakapila para sa ayuda sa Quezon City Memorial Circle (QCMC). Isa itong napakasakit at nakakagalit na larawan ng lumalalang kahirapan at kawalan ng sapat na proteksyon para sa mga manggagawa at maralitang Pilipino.

Hindi dapat humahantong sa ganitong trahedya ang paghahanap ng mamamayan ng kaunting tulong mula sa pamahalaan. Nakalulungkot na sa halip na disenteng trabaho, nakabubuhay na sahod at maayos na serbisyong panlipunan, NAPIPILITAN ANG MARAMI na magtiis sa mahabang pila at mapanganib na kalagayan para lamang makaraos sa araw-araw.

Nanawagan kami sa pamahalaan na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa insidente, tiyakin ang pananagutan sa kapabayaan ng bigayan sa ayuda at magbigay ng agarang tulong sa naiwang pamilya ng biktima! Higit sa lahat, panahon nang pakinggan ng pamahalaan ang panawagan ng mga manggagawa: lumikha ng disenteng hanapbuhay, magpatupad ng nakabubuhay na sahod, tiyakin ang sapat na kita at palawakin ang social protection para sa lahat! Hustisya sa lahat ng biktima ng kapalpakan ng gobyerno! # # #

27/03/2026

DSWD Chief Tiniyak ang Cash Relief Aid ng Drivers ng TNVS Community Philippines

Pinakinggan ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang mga kinatawan ng TNVS leaders para sa kanilang kalagayan at mga kahilingan partikular sa mga drivers na hindi pa napabilang o nawala sa listahan ng mga benepisyaryo ng cash relief assistance ngayong Biyernes (Marso 27).

Tiniyak ni Sec. Gatchalian na sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tutugon ang DSWD sa kanilang mga hinaing. Makakaasa ang ating mga TNVS drivers na aayusin ang listahan sa lalong madaling panahon para lahat ng drivers ay makatanggap ng tulong-pinansyal mula sa Kagawaran. Siniguro rin ng Kalihim na kasama rin sa cash aid ang mga TNVS drivers na nasa labas ng Metro Manila.

Kasama sa nakipagpulong sa DSWD chief sina TNVS Community Philippines (TCP) Chairman Walter Lugay, TNVS Alliance Philippines (TAP) Chairman at TCP Vice Chairman Aylene Paguio, TCP Secretary at Group of Allied TNVS (GOAT) Chairman Gary Galamgam at iba pang TCP members na sina Ryan De La Cruz at Christopher Maglalang. (AL)

❤️

Address

Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LABAN TNVS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share