06/08/2026
TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 13
Tropical Depression (KUJIRA)
Issued at 11:00 AM, 06 August 2026. Valid for broadcast until the next bulletin at 2:00 PM today.
HUMINA AT NAGING TROPICAL DEPRESSION NA LAMANG ANG BAGYONG "MAYMAY".
Tinatayang nasa paligid ng Tanudan, Kalinga ang sentro ng bagyo. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 90 km/h. Kasalukuyan itong kumikilos pa-Timog-Silangan (Southeastward) nang dahan-dahan.
WALANG NAKATAAS NA TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) SA LUNGSOD NG SAN JOSE AT SA LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA BASE SA BULLETIN NA ITO.
ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA ATIN?
• Bagama't inalis na ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ating lugar, patuloy na makakaranas ng heavy rainfall at severe winds sa mga lugar kahit sa labas ng landfall point at forecast confidence cone.
• Magdadala ng strong to gale-force gusts ngayong araw hanggang Sabado (08 August) sa malaking bahagi ng bansa ang Habagat at ang paligid ng bagyong Maymay.
• Mag-ingat sa madudulas na kalsada, biglaang pagtaas ng tubig sa mga ilog at sapa, at pag-apaw ng mga kanal.
• Iwasan ang pananatili sa ilalim ng mga puno, poste, at iba pang mabuway na istruktura habang may malakas na hangin o thunderstorms.
PAALALA SA MGA PAARALAN AT KOMUNIDAD SA SAN JOSE CITY
• Manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng DOST-PAGASA at mga lokal na awtoridad.
• Siguraduhing malinis ang mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig sa paaralan at komunidad.
• I-secure ang mga tarpaulin, signage, bubong, learning resources, at iba pang kagamitan na maaaring tangayin ng malakas na hangin. Iwasan ang pagtawid sa baha at manatiling ligtas sa panahon ng pagkulog at pagkidlat.
• Siguruhing handa ang mga contingency measures at school safety protocols kung s
akaling lumala ang lagay ng panahon.
SOURCE: DOST-PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 13 Issued: 11:00 AM, 06 August 2026
PAUNAWA SA SUSPENSYON NG KLASE:
Alinsunod
fans