24/09/2026
πππ πππππ
, ππππππππππππ πππ πππππππππ ππππππππππ π πππ
πππππ πππ πππππ ππ ππππππ ππ πππππππ πππππππ ππππππππππ ππ πππππ ππππππ ππππ ππππππππππ πππππππππ
Agad na umaksyon ang Land Transportation Office (LTO), sa direktiba ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos mag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa drayber ng isang pribadong sasakyan na nasangkot sa road crash na ikinasawi ng isang pulis sa Jimenez, Misamis Occidental noong Setyembre 21, 2026.
Batay sa initial investigation report, bumangga ang naturang pribadong sasakyan sa checkpoint signage ng Jimenez Municipal Police Station sa National Highway Intersection, Purok 5, Brgy. Butuay, Jimenez, Misamis Occidental. Kasunod nito, nasagasaan ng sasakyan ang isang pulis na kalaunan ay nasawi dahil sa mga tinamong pinsala.
Batay rin sa isinagawang alcohol test gamit ang Alcoholic Breath Analyzer (ABA), nagpositibo sa alcohol ang drayber, na nagpapatunay na nagmamaneho siya habang nasa impluwensya ng alak.
Kaugnay nito, ipinatawag ng LTO ang drayber upang personal na humarap at magsumite ng sinumpaang salaysay sa loob ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng SCO upang maipaliwanag ang kanyang panig kaugnay ng insidente.
Kabilang sa mga paglabag na tinukoy sa SCO ang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, Reckless Driving, at Driving Under the Influence of Alcohol, bukod pa sa iba pang pananagutan na maaaring matukoy batay sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Samantala, isinailalim agad sa 90-araw na preventive suspension ang driverβs license ng naturang drayber, habang inilagay naman sa alarm ang sangkot na pribadong sasakyan.
Kasunod ng insidente, inirekomenda ni LTO Chief Asec. Lacanilao ang perpetual revocation lifetime ban sa naturang drayber bilang bahagi ng mahigpit na paninindigan ng ahensya laban sa pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak.
βHindi dapat nagmamaneho ang sinumang nakainom. Delikado ito at puwedeng kumitil ng buhay, tulad ng nangyari sa insidenteng ito. Hindi natin palalampasin ang ganitong kapabayaan,β ayon kay Asec. Lacanilao.
Paalala ng LTO na walang lugar sa kalsada ang pagmamaneho habang nasa impluwensya ng alak. Ang pag-inom bago magmaneho ay maaaring makaapekto sa pag-iisip at reaksyon ng isang drayber at maglagay sa panganib sa buhay ng ibang tao. Kaya mariing panawagan ng LTO sa lahat ng motorista, kung nakainom, huwag magmaneho. Isang maling desisyon sa kalsada ay maaaring kumitil ng buhay.