25/02/2026
Pasahero : Manong pasakay po
Driver : Saan po kayo mam
Pasahero : Sa dialysis center lang po pero susunduin pa natin ang nanay ko, magkano
Driver : Mamaya na po tayo mag usap sa pamasahe kapag naihatid ko na po kayo
(pagdating sa dialysis center)
Pasahero : Magkano po pamasahe
Driver : Ang singilan po namin mam sa ganyang sinusundo pa sa bahay ay special trip na, pero alam naman po natin na mahirap ang buhay ng mag dialysis araw-araw o ilang beses sa isang linggo
Pasahero : nakakahiya naman sa inyo manong inalalayan nyo pa si nanay makasakay
Driver : Huwag na po kasi parang emergency na po sakin yan, idagdag nyo nalang po sa dialysis ni nanay👍