20/04/2026
Isang endorsement ang natanggap natin mula sa isa sa tanyag na jeepney builder sa Bulacan, ang DF De Vera Motors.
Sinusuportahan ni Ka Domeng De Vera ng DF De Vera Motors ang ating kandidatura sa pagka-senador, at ipinapahayag na iboto ang tunay na representante ng sektor pang-transportasyon tulad ng ating chairman na si #64 Mar Manibela Valbuena.
Ang endorsong ito ay malaking bagay na sa ating kandidatura, makakaasa kayo na kapag tayo ay pinalad na mahalal ay susuportahan natin ang ating mga lokal na jeepney builders sa buong bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mga batas na nagtatakda sa pagtangkilik sa mga ito.