North Luzon Express Terminal - NLET

North Luzon Express Terminal - NLET North Luzon Express Terminal, is an intermodal terminal that is strategically located at the back of Philippine Arena.

It's designed to be the drop-off and pick-up of commuters going to North Luzon and Manila.

*****Updated Nov 7, 2023*****Para po sa ating mananakay, ito po ang mga rutang nag ooperate ngayon sa NLET.Makipag coord...
07/11/2023

*****Updated Nov 7, 2023*****

Para po sa ating mananakay, ito po ang mga rutang nag ooperate ngayon sa NLET.

Makipag coordinate lang po tayo sa operator na balak natin sakyan para po sa schedule and fares.

I-uupdate po namin ang listahan kung may mga bagong ruta.

Provincial Bus
Coda Lines - Sagada - https://www.facebook.com/codalinescorporation

Dalin Bus Lines - Isabela, Tuguegarao - https://www.facebook.com/dalinbuslineinc

******Please coordinate directly with Bus Operators for Schedule and Fares******

Banh Mi Kitchen Kiosk now operational at North Luzon Express Terminal - NLETCome Visit Or Order Online via Grab and food...
11/07/2023

Banh Mi Kitchen Kiosk now operational at North Luzon Express Terminal - NLET

Come Visit Or Order Online via Grab and foodpanda

 Magtatapos sa Hunyo 30.
23/06/2022



Magtatapos sa Hunyo 30.

21/04/2022

MAGANDANG BALITA!

Libreng Sakay sa NLET-Cubao, NLET-PITX, magsisimula na bukas

Magsisimula na bukas, ika-21 ng Abril 2022, ang Libreng Sakay na may rutang North Luzon Express Terminal (NLET) papuntang Araneta Center Cubao (Route 38) at North Luzon Express Terminal (NLET) papuntang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) (Route 39) sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3.

Magsisimula ang unang byahe sa naturang ruta, ala-una (1:00) ng umaga at matatapos ng alas-dose (12:00) ng gabi.

Para sa mga pasahero na patungo at palabas ng Metro Manila sa pamamagitan ng NLET, tinitiyak ng ahensya ang maayos at sapat na bilang ng mga pampublikong sasakyan para sa maayos at ligtas na pagbiyahe ng bawat mananakay.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagseserbisyo ng Libreng Sakay sa EDSA Busway Carousel tuwing alas-kwatro (4:00) ng umaga hanggang alas-onse (11:00) ng gabi. Habang, patuloy ding nagseserbisyo ang mga operator at driver sa mga ruta na kalahok sa programa sa iba't ibang rehiyon sa bansa.

Inaasahan naman ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang Public Utility Vehicle (PUV) para sa Libreng Sakay sa buong bansa sa mga susunod na araw.

Ang Service Contracting Program ay may layuning matulungan ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Sa pamamagitan ng programa ay babayaran ng gobyerno ang mga kalahok nito base sa bilang ng biyahe na kanilang itinakbo kada lingo.

Samantala ang mga Healthcare Workers (HCW) at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ay naseserbisyuhan sa pamamagitan ng Libreng Sakay.

Para sa mga karagdagang impormasyon, regular na bisitahin ang LTFRB Official page o maaaring tumawag sa LTFRB Project Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845, loc 837, o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.

Tara na sa biyahe tungo sa mas !





20/04/2022

29/03/2022

Tuloy-tuloy ang operasyon ng MMDA Task Force Special Operations laban sa mga lumalabag sa batas trapiko at Anti-Colorum Unit na kontra naman sa out-of-line at hindi rehistradong mga sasakyang dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Sa kanilang operasyon mula Marso 25-28, 135 ang natiketan sa iba't ibang paglabag sa batas trapiko habang 54 ang sasakyang na-impound.

Ayon sa LTFRB, ang colorum ay mga sasakyang nagsasakay ng pasahero o cargo na ginagamit ng mga ilegal na operator upang pagkakitaan kahit walang certificate of public convenience (prangkisa) / Provisional Authority / Special Permit.

Dagdag pa rito, walang 'passenger insurance' ang colorum na sasakyan, kung kaya't walang makukuhang agarang tulong pinansyal mula sa operator o anumang insurance company ang pasahero kung sakali mang maaksidente ang kanyang sinasakyan.

22/03/2022

08/03/2022

31/01/2022

‘No vax, no ride policy’ hindi ipapatupad habang nasa Alert Level 2

Inihayag noong Linggo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ang Metro Manila at mga lalawigan ng Cavite, Bulacan, Rizal, Batanes, Biliran, Southern Leyte, at Basilan ay babalik sa Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.

Kaugnay nito, ipinapaalam ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transporatation and Regulatory Board (LTFRB) na hindi ipapatupad ang ‘No vax, no ride policy’ sa pagsakay sa pampublikong sasakyan sa Metro Manila habang nasa alert level 2 ang rehiyon simula bukas.

Matatandaang ang patakarang "no vaccine, no ride" ay ipinatupad noong Enero 17, 2022 upang limitahan ang paggalaw ng mga hindi nabakunahang indibidwal sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 noong nakaraang buwan.

Ngunit, pinapaaalala pa rin ng buong hanay ng LTFRB ang mahigpit na pagsunod sa 7 commandments sa pagsakay ng pampublikong transportasyon. Laging tandaan na ang karapatan sa pagsakay ng pampublikong sasakyan ay may kaakibat na responsibilidad na panatiling ligtas at maayos ang pagbyahe ng bawat isa.

31/01/2022

Address

NLET, Philippine Arena Compound, Bulacan
Bocaue
3018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when North Luzon Express Terminal - NLET posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to North Luzon Express Terminal - NLET:

Share

Category