03/08/2026
🏪 Negosyong Bigas: Buhay Trader vs. Buhay Retailer
Paano nga ba nakakaapekto ang ₱50/kg price cap sa mga negosyante? Magkaiba ang kwento ng mga nasa supply chain:
🚛 Mga Importers/Traders: Buhay pa rin. Nasa ₱37-₱38/kg ang puhunan (landed cost) ng imported rice, kaya may margin pa sila para sa transport at storage. Kailangan lang maging maingat sa timing ng pag-import!
🏪 Mga Retailers (Tindera sa Palengke): Sila ang IPIT! 😰 Strikto ang DA sa pagbabantay ng price cap. Kapag itinaas ng trader ang wholesale price, si retailer ang sasalo ng lugi kasi bawal sila magbenta nang lampas ₱50/kg sa mga mamimili. Be kind to your local rice retailers today!