09/03/2021
·
FREQUENTLY ASKED QUESTION OF PARTNER RIDER APPLICANT
● Details please…
Name of Company: Bulacan Online Courier Services (BOCS)
Position: PARTNER DELIVERY RIDER (BOCS RIDER)
Description: Kapartner hindi empleyado (isa sa may ari ng company)
Direct to customer ang trabaho. Pick up and delivery of their products or items na request ng customer. Kung saan ang PU at DO ng customer na kinuha mo, doon ang location ng work. No basic salary pero lahat ng delivery fee income ng rider, No need to personally report sa office.
● Pwede ba ang non-pro license
Bawal po ang non-pro license na gamitin as delivery rider pero sa panahon ngayon, marami ang nangangailangan ng trabaho at kapos sa panggastos. Tatangapin po natin ang non-pro provided na ipapa upgrade sa pro pag kumita na.
● May apps po ba?
Wala kaming apps, messenger platform ang gamit namin. Kaya di na kailangan ng Top-up para makakuha ng booking. Para sa customer, no need to download apps. They can send direct message to ChatBOCS near their location ( https://web.facebook.com/BOCSDelivery/)
● Paano kumuha ng booking/customer?
Pwedeng direct sa messenger ng rider ipapadala ang details ng customer mula sa Admin, Riders at customers. pwedeng kumuha sa Group chat at group page pero mas maganda kung magkaroon na ng regular customer ang rider na siyang target ituro ng Admin sa bawat member ng BOCS. Sa ngayon marami ng customer ang hindi nagpopost, ung iba direct message na sa mga rider na nag o offer ng delivery service, kaya we encourage BOCS rider to post their transaction that we supported by "likes" and share. We also used ChatBOCS in selected areas.
● Bakit walang deduction sa delivery fee?
Dahil di kami gumagamit ng apps, we don’t need to pay the service provider 20% from delievry fee. Mababawasan lang ang kita ng rider kung ang customer ay pinahiram lang sa kanya ng ibang rider o admin. Kung ang rider naman ang magpapahiram ng customer nya, sya naman ang may kitang 10% ng delivery fee.
● Paano kikita ang company kung walang deduction sa delivery fee?
Ang kita ng company ay ang membership fee na binabayaran ng rider. 100 pesos per month. Kung sa pakiramdam ng rider, lugi pa rin sya sa ibabayad nya, pwede pa rin maging libre kung may sapat na dahilan. Tinayo po ang BOCS dahil sa kaibigan, para sa pamilya.
● Marami bang booking o customer?
Ang company ay walang customer kaya hindi kami nangangako ng 1500 na daily income. Ang customer ay nasa rider at admin. Hanggang may nakikita ka na nagpopost looking for delivery, may customer ka pang makukuha.Pwede ka rin pahiramin ng existing customer ng rider at admin, bibigyan mo lang sila ng 10% commission sa transaction nila sa customer. Kung ikaw naman ang may customer, na hindi mo maidedeliver, pwede mo rin ipahiram sa ibang BOCS Rider to maintain your customer and earn 10% on delivery fee.
● Saan po ang Office? Saan pwedeng mag apply?
Applications can be done online. If you want to apply personally, you can set an schedule in our Baliuag office.: 138 fg Calderon St, Baliuag, Bulacan.
● Sa Bulacan lang ba? Pwede ba sa lugar namin?
Nationwide po ang operation namin, centralized po ang processing ng application. Once na mapasok ka na, isasama ka sa Cluster ng location mo.
● Saan ako maaassign? Pwede bang sa lugar lang namin?
Kung saan ka nakabase, doon ang magiging cluster mo (limited po tayo sa 3 new riders per town) pero kung wala ng slot sa area mo, pwede ka magstart sa ibang cluster and transfer ka na lang after a month or waiting ka muna na magkaroon ng slot sa lugar mo. HIndi naman kailangan magreport sa office, sa grouping lang maiiba.Pwede kang kumuha ng customer kahit saang area mo gusto.
● May kailangan bang bayaran bago makapasok?
May initial cash out na 500 pesos sa unang buwan para sa processing, activation at membership fee. Ung susunod na buwan, 100 na lang monthly ang babayaran. Wala ng top-up para pagkunan ng deduction sa delivery fee.