12/07/2026
Goodmorning Price increase mga suki😓
DAGDAG-PRESYO SA LPG, EPEKTIBO SA LUNES
May panibagong dagdag-pasanin ang sasalub**g sa mga konsyumer matapos ipahayag na tataas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula Lunes, Hulyo 13.
Ayon sa LPG Marketers Association, madaragdagan ng ₱3 kada kilo ang presyo ng LPG, na katumbas ng ₱33 dagdag sa karaniwang 11-kilogram na tangke.
Ipinaliwanag ng Presidente ng samahan na si Arnel Ty na ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng pagbawi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pansamantalang suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene.
Bukod dito, nagbabala rin ang industriya na maaari pang masundan ang panibagong dagdag-presyo dahil sa muling umiigting na tensyon sa Middle East, na maaaring makaapekto sa pandaigdigang suplay at presyo ng langis.
This news update is brought to you by Manny Pay.
is your all-in-one digital wallet for fast, easy, and secure transactions. Just like GCash or Maya, you can pay via QR code, send money, buy load, and make online payments anytime, anywhere.
Download and install the Manny Pay app on your cellphone today!