Bajaj RE travel vlog

Bajaj RE travel vlog πŸ“Œ TRAVEL the philippines with my favorite tuk-tuk buddy (Bajaj RE).
πŸ“Œ I also make funny content. No vehicle to used in your travel? Within Albay only.

My youtube channel https://youtube.com/?si=CxvX5-LPiQTxqQ7J don't worry because Bajaj RE is here to serve you at a low rate.

04/06/2025
Bao-bao rolling store
04/06/2025

Bao-bao rolling store

31/05/2025
Good morning
29/05/2025

Good morning

Meron na palang BS in Criminology course ngayon sa Zamora Memorial College sa Bacacay Albay. Well, malaking tulong ito s...
26/05/2025

Meron na palang BS in Criminology course ngayon sa Zamora Memorial College sa Bacacay Albay. Well, malaking tulong ito sa mga Bacacayanos na gustong mag aral ng BS in Criminology dahil hindi na sila pupunta pa sa Tabaco City or Daraga Albay upang mag aral ng nasabing kurso.

Ang kagandahan dito sa ZMC ay meron silang height requirements upang makapag enroll sa criminology. 5 flat sa babae at 5"2' nman sa lalaki. Hindi kagaya sa ibang college school tanggap lang ng tanggap ng enrollees kahit under height, ang resulta hindi makapasok sa PNP.

Ang BS in Criminology ay isang kurso na kinukuha ng mga estudyanteng gustong makapasok sa PNP (pulis). Maraming trabaho ang maaring pasukan ng isang criminology graduate ngunit karamihan sa kanila ang gusto ay pagpupulis lalo na ngayon dahil dinoble ni former president duterte ang sahod ng mga pulis.

Alam niyo ba na hindi lamang BS in Criminology ang kurso na maaari niyong kunin upang makapasok sa PNP. Base sa qualification standard set by the PNP, ang Philippine National Police ay tumatanggap ng aplikante na nakapagtapos ng bachelor's degree (4-5 years) sa kahit anong course. Ibig sabihin, maaari kang mag apply sa PNP kahit anong course ang iyong tinapos bastat ito'y bachelor's degree or baccalaureate degree kagaya ng BEED,BSED, BS in Computer Science, Bachelor of Laws at iba pa.

Noong 2006, nag enroll ako ng BS in Criminology sa isang paaralan sa Tabaco City sa Albay. Ang tuition fee ko noon (first year) ay umabot ng Php 14,000.00 per semester. Siguro ngayon nasa 28k na ang per semester.

Sa totoo lang po medyo may kamahalan ang tuition fee ng kursong BS in Criminology pero may alternatibo dyan dahil pwedi ka namang mag enroll ng ibang kurso na may apat na taon na mura ang matrikula KUNG PAGIGING PRAKTIKAL ANG PAG UUSAPAN. Ang Bicol University or Bicol University Tabaco Campus ay nag ooffer ng libreng tuition fee dahil sa Universal Access to quality Tertiary Education Act (RA 10931).

Noon hindi ko pa alam na pwedi din pala maging pulis kahit hindi criminology ang tinapos. Kung alam ko lang sana ibang course nalang ang kinuha ko yung mura lang ang tuition fee. mas maganda kung computer courses dahil maaring magamit abroad kapag retirado na.

Marami kasi akong napapansin sa ilang criminology students na hindi nakakapagtapos ng kanilang pag aaral dahil kulang sa budget. Gusto daw nila maging pulis balang araw ngunit dahil wala ng pampa aral ang kanilang magulang ay napipilitan silang huminto.

Pero ano nga ba ang advantage ng isang Criminologist kapag mag aapply sa PNP?
*Ang isang criminologist ay hindi na kailangan mag take ng PNP Entrance Examination sa NAPOLCOM dahil ang kanyang PRC license ay maaring gamitin bilang eligibility upang makapasok sa PNP.

Pagdating naman sa promotion sa PNP, ang isang criminologist ay maaring magpa promote sa Police Corporal hanggang Police Lieutenant Colonel gamit ang kanyang PRC license.

Ang problema lang dahil maraming documents galing sa PRC ang kailangan isubmit ng isang criminologist gaya ng certificate of good standing, board rating, certificate of passing at kailangan niya rin ipa authenticate ang kanyang PRC ID. Heto yung nakaka inis, kasi kapag mag rerenew ka ng iyong PRC ID ay hahanapan ka ng CPD units at Certificate of Good Standing (COGS) galing sa PCAP or Professional Criminologist Association of the Philippines. Lahat ng yan ay may bayad at may proseso ang pagkuha. Yan yung part na maiinis ka talaga. Unlike sa NAPOLCOM passer,isang dokumento lang ang kailangang ipasa.

Ito ang dahilan kung bakit maraming criminologist ang napipilitang mag apply ng eligibility sa Napolcom. Isa na ako doonπŸ˜‚.

Ay na post
25/05/2025

Ay na post

24/05/2025

Address

Bacacay
4509

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bajaj RE travel vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bajaj RE travel vlog:

Share