27/04/2026
Bella, thank you for spreading positivity and encouragement! ๐ Allyson, make Pampanga proud! ๐๐
SUPORTA PARA KAY ALLYSON | Bella Manuel leads heartfelt push for Pampangaโs bet
Nagpakita ng all-out support si Bella Manuel para kay Allyson Hetland, ang pambato ng Pampanga sa Miss Universe Philippines 2026, matapos siyang gumawa ng hand-made bracelets bilang simbolo ng good luck at encouragement bago ang coronation night.
โGinawa ko po ito para kay Ate Ally to show support and wish her good luck,โ ani Bella.
Si Bella ay anak ni Reina Manuel, Chief Political Affairs Officer ni Carmelo 'Pogi' Lazatin Jr., na nagbigay rin ng bulaklak at handwritten note para kay Hetland.
Nagpasalamat din si Manuel kay Michael Cacai Muรฑoz ng Miss Universe Pampanga sa pag-facilitate ng kanilang meeting at sa patuloy na paggabay sa Pampanga candidate.
โWe are truly gratefulโฆ his dedication shows his genuine commitment to help Allyson shine and represent Pampanga with pride,โ dagdag niya.
Samantala, nagpadala rin ng espesyal na token si IC Calaguas ng Department of Transportation - Philippines bilang suporta kay Hetland.
โMalaki ang paniniwala namin kay Allyson. She carries not just beauty, but the heart and strength of a true Kapampangan,โ aniya.
Kabilang din sa nagpakita ng suporta sina Poklong Guina at Frederick Policarpio.
Para sa coronation night sa May 2, naghanda rin ng banners at lightsticks ang opisina ni Lazatin, katuwang sina Calaguas at Manuel, para sa supporters ni Hetland.
Si Hetland, residente ng Barangay Pandan, ay kinoronahang Mutya Ning Angeles 2024, ang huling winner sa ilalim ng termino ni Lazatin bilang mayor. Naging OTOP ambassador din siya, aktibong sumusuporta sa local products at MSMEs ng lungsod.
Matatandaan na sina Calaguas at Manuel ang nagsilbing Committee Heads ng Mutya Ning Angeles, kasama rin sa organizing team sina Guina at Policarpio.