Manalao

Manalao Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Manalao, Subic Ilaya, Agoncillo.

03/01/2022

Mahigpit ginaw areh ah ah!

-batang

...
02/04/2021

...

15/03/2021

TAAL VOLCANO BULLETIN
Ika-15 ng Marso 2021
Ika-8 ng umaga

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng dalawang daan, limampu’t dalawa (252) na volcanic earthquakes, kabilang ang labimpito (17) na volcanic tremors na tumagal nang isa (1) hanggang apat (4) na minuto at limang (5) hybrid events. Samantala, katamtamang pagsingaw, na may taas na sampung (10) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater. Nagkaroon naman ng upwelling ng mainit na volcanic gases na nakita sa ibabaw ng lawa simula ika-anim hanggang ika-walo ng gabi. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 na humigit-kumulang sa 518 tonelada kada araw ang nasukat noong ika-14 ng Marso 2021. Huling nasukat sa lawa ng Main Crater ang mataas na temperatura na 71.8ºC noong ika-04 ng Marso 2021 at acidity na may pH 1.59 noong ika-12 ng Pebrero 2021. Ang sukat ng ground deformation ng bulkan batay sa electronic tilt, continuous GPS at InSAR data ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ang kalakhang Taal magmula pa nang pagsabog ng bulkan noong Enero 2020. Sa kabuuan, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagligalig ng magma sa di kalalimang bahagi ng bulkan.

Ang Alert Level 2 ay kasalukuyan pa ring nakataas sa Taal Volcano. Pinaaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang madla na sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure. Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan. Ang mga may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit sa bulkan dahil sa naglilipanang abo at umiitsang bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.


15/02/2021

FYI: MDRRMO Agoncillo Evacuation Plan Re: Taal Volcano Eruption.

In Case of Emergency, Please Call:
Mdrrmo Agoncillo
09757325274
09067581620
09363608372
09359083927

Agoncillo BFP
09199566044
09071290689
09305863275

Agoncillo PNP
09213984561
09157525559

Magdasal, maging Handa at Alerto lamang Po tayo sa lahat ng oras.

❤️
31/10/2020

❤️

28/10/2020

Sa mga pupunta o dadaan ng manalao hindi na po nagpapasakay ng sasakyan sa balsa at ipinagbawal na po.

Address

Subic Ilaya
Agoncillo
4211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manalao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share