13/05/2026
TEMPORARY PRICE ADJUSTMENTS
Date: May 13, 2026
Paksa: Abiso sa Pansamantalang dagdag-singil sa shipping fee
Para sa: Sa aming mga Kliyente,
Sa kabila ng aming pilit na pagsalo sa pagtaas ng delivery expenses sa Pilipinas at emergency
fuel charge ng shipping lines simula pa noong March 17, 2026 ay ikinalulungkot po naming
sabihin na kinakailangan po naming magkaroon ng pansamantalang pagtaas ng ating delivery
charge para sa mga bagaheng aalis ng May 19, 2026 onwards.
Narito po ang pansamantalang dagdag-singil sa bawat lugar:
Luzon
• Jumbo at 2-in-1 – 300 yen
• Half Box – 250 yen
Visayas at Mindanao
• Jumbo at 2-in-1 – 700 yen
• Half Box – 500 yen
Ito lamang po ang halagang ating ipapasa sa mga kliyente kumpara sa ibang door to door
services na nagdagdag na 500 yen hanggang 1000 yen upang maipagpatuloy ang ating
magandang serbisyo.
Humihingi po kami ng paumanhin sa biglaang abiso ng pagtataas. Makakaasa po kayo na ito
ay pansamantala lamang at ibabalik po ito sa regular na rate kapag bumalik na po sa normal
ang singil ng shipping line at fuel sa Pinas.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.