25/10/2021
MGA KABAYAN PUBLIC ADVISORY PO
Sa kasalukuyan, ang buong industriya ay apektado ng malawakang global supply chain crisis na nararanasan sa iba’t ibang panig ng mundo na siyang dulot na rin ng pandemiya at iba pang external factors. Sa kadihalanang ito ay nararanasan din ang hindi maiwasang delays at ang inyong mga cargo service providers ay nagsasagawa ng adjustments sa kani-kaniyang service lead time at pati na rin sa service fees ng inyong mga sea at air cargo padala.
Pinapaalalahanan namin ang aming mga valued customers na ipadala ang inyong mga Balikbayan Boxes ng maaga at makipag-ugnayan sa inyong preferred cargo company para sa holiday cut-off schedules.
Sinisiguro namin na ang inyong mga pinagkakatiwalaang PBC-LFF members ay nananatiling tapat sa aming tungkulin na makapagbigay ng mabuting balikbayan box service sa lahat ng aming customers lalo na sa darating na kapaskuhan. Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
See below related articles:
> https://edition.cnn.com/2021/08/23/business/global-supply-chains-christmas-shipping/index.html
> https://www.thenationalnews.com/uae/2021/08/17/residents-leaving-uae-face-high-freight-charges-as-shipping-costs-rocket/
> https://www.thenationalnews.com/business/skyrocketing-shipping-rates-may-hit-consumer-pockets-sooner-than-many-anticipate-1.1240106