14/09/2025
Yung mga ganitong client?!
Client : Mam magkano po ang Manila to Caticlan?
Me : Php 1,179 sir..
Client : Aw! SIge mam, mahal ka ng 150 eh!
Me : Sir, yan na po kasi price namin.
Client : (Nagpa book sa iba kasi mas mura ng 150) kinabukasan nag pm ulit sa akin.
Client : Maam pano po pag may maling spelling at Birth date sa bookings? Nagkamali kasi pag input ang nagbook..
Me : Aw! Nagpabook ka pala sir? Tanong mo po dun sa nagbook sa inyo para ma assist ka nila at sila lang po pwdng gumawa nyan dahil booking nila yan. 😊
Client: Tinanong ko na po mam, pero ang sabi tawagan ko daw direct si Cebu Pacific, at hindi daw sya marunong. Bakit po ganun? Eh sa inyo, mga post ikaw nag a-asist ng mga clients para ma settle yung mga mali.
Me : Ah, yan po talaga ang kaibahan sa price difference namin na Php150 pesos sir.. Sabi mo kasi mas mahal sa akin pero sa ganitong sitwasyon makakaasa ka na may mag a-asist sayo. Hindi ka iiwan hanggang sa dulo, at ngayon, dahil sa mas mura ka po nagpa book ikaw ang tatawag sa airline at pipila ka po doon kung kailan ka ma accommodate, goodluck po sayo sir. 🤗 Sana di ka abutan ng flight mo at ma accommodate ka kaagad ng Airlines..
Client : Maam sorry po, baka pwede nyo akong
tulongan, baka hindi kami mkasakay dahil may mali sa spelling ng name namin at sa birthdate 🙁🙁
Me : Sorry sir ha?! Gustuhin man kitang tulungan pero hindi po talaga pwede, kasi hindi galing sa amin ang booking transaction mo sir, ang may power lang po dyan ay ang nagbook po sa inyo. Alam nya po yan! 😊
LESSON: Wag puro murang presyo lagi, tingnan mo muna ang QUALITY OF SERVICE, sa panahon ngayon halos lahat ng mga airlines may flight changes and restriction bawat lugar na pupuntahan nyo. Ang hanapin mo yung agent na makakatulong sayo at sasamahan ka hanggang sa maka uwi ka ng maayos sa puntahan mo hindi yung after mo nag bayad wala ng p**i sayo, doon ka po sa airline mag reklamo huwag sa akin.