Follow D. Leader

Follow D. Leader Do the right thing, even when no one is looking. That’s INTEGRITY.

Been to 30+ countries
There’s only one race on earth — Human Race

Mahal ko ang bansang Pilipinas.🇵🇭

12/03/2026

Diko maintindihan ano ba talaga pinaglalaban ng mga DDS? Na tama parati yung mga pinipili nilang kandidato? O na matalino silang pumili ng kandidato? Anong joke yan? Reality ba nila yan o tangatangahan nalang talaga? Paulit ulit hindi talaga natututo?? Pili lang ng pili ng mga huwad. Bilib na bilib sa mga bayarang vloggers at trolls ng kandidato nila. Biruin mo bilib na bilib ka sa SMNI na pag aari ni Quiboloy? Ganun ka talaga katalino?🫠🫠🫠 Bilib na bilib ka dun sa mga bayarang trolls ng mga Pamilyang hayok sa kapangyarihan at salapi. Pero feeling pa nila ang galing nila pumili dahil sa pakikinig nila sa mga yan. Iseshare pa ang mga post. Sukdulan ang kamangmangan🤦🏻‍♂️🤦🏻‍♂️🤦🏻‍♂️ Kung masipag lang talaga ko sagutin isa isa yang mga yan. Kahilo.😵‍💫😵‍💫😵‍💫 Patawa ba talaga yan? Kairita na eh. Damay buong bansang Pinas. Nagkandaleche leche na ang Pinas, ang kalat kalat na sa buong mundo, dahil SAYO. Oo DAHIL SAYO, kakapili mo ng mga HUWAD na lider. ANG KALAT. 🤡🤡🤡

27/02/2026

Pano mo malalaman pag nasa maling side ka?

Kapag HINAHANAPAN mo na ng mali yung kabilang panig para maipagtanggol lang yung panig mo. At sa kabilang dako, kusang lumalabas naman ang mga mali ng pinapanigan mo ng hindi isang beses kundi paulit ulit at HINDI NA kailangan pang hanapin pa,😂🤣😅 tapos ipagtatanggol mo ulet hanggang sa maging cycle na. Yung tipong tanggol ka nalang ng tanggol pero di mo naisip, bakit paulit ulit mong pinagtatanggol. Di mo mabatid na puro kase mali ang ginagawa. Hanggang sa hanapan mo nalang ng mali yung kabilang panig mula dun sa mga kagaya mong biased lang dun sa panig nyo. Ang mahirap pa dun napakaraming trolls na nagpapalaganap ng peyknews na handa mong paniwalaan dahil lang sa pagiging fan ng isang panig. SOBRANG KALAT NG PINAS. Kagagawan nyo yan eh. Ang mahirap dun, pati kami damay MALALA. Lahat ng Pinoy damay dahil sa dami ng mangmang. 😂🤣😅

18/02/2026

For FUTURE ELECTIONS‼️‼️‼️

Dutertes: ❌
Marcoses: ❌
Iba naman: ✅

Baguhin naman ang Pilipinas, masyado ng behind. Mas maganda pa ang buhay ng a*o at pusa sa ibang bansa sa totoo lang.
NAKAKALUNGKOT man aminin.

15/11/2025

Ano nga bang tunay na mas mahalaga? Kayamanan o karangalan? Pera o legasiya?

Meron bang batas para permanente ng hwag galawin at maprotektahan ang buong Sierra Madre? Kung wala dapat gumawa na, at ...
10/11/2025

Meron bang batas para permanente ng hwag galawin at maprotektahan ang buong Sierra Madre? Kung wala dapat gumawa na, at kung meron naman dapat ipatupad ng maayos. Dapat hindi na hinahayaang galawin yan. Magtanim ng maraming puno pa. Dagdagan at hwag nang babawasan pa. Hindi naman siguro “mas maghihirap” pa ang Pinas kung gagawin yun.⛰️🌳🌿

Tuluyang nang humina ang Super Typhoon Uwan na ngayon ay nasa typhoon category na lang matapos itong mag-landfall sa Dinalungan, Aurora nitong 9:10 PM ng Lin...

PINAKA NAKAKALUNGKOT sa lahat bukod sa kahirapan at korupsyon ay yung HINDI PAGPROTEKTA SA KALIKASAN🥺🥺🥺 Maraming tao kas...
09/11/2025

PINAKA NAKAKALUNGKOT sa lahat bukod sa kahirapan at korupsyon ay yung HINDI PAGPROTEKTA SA KALIKASAN🥺🥺🥺 Maraming tao kase ang hindi iniintindi ito sa twing mamimili ng mamumuno, yung nakaraang administrasyong pinili na palitan ang DENR secretary na lumalaban sa pagmimina, at pumirma para sa 9 big mining companies na magpatuloy, para piliin ang “mas malaking kita” na ibinubulsa lamang. Natapos ang termino at may pagkakataon na bumoto ng isang kandidato na may maliwanag na plataporma sa pagbawi ng desisyon na iyon, at protektahan ang kalikasan pero anong nangyare?? Pumili ang majority ng isang kandidatong WALANG PLATAPORMA sa bayan kundi UNITEAM. Ngayon patuloy na winawasak at wasak na wasak ang kalikasan/ natural resources ng bansang Pilipinas. Please naman, wag nyo nang babuyin ang bansang Pilipinas. May pagkakataon na naman kayong bumoto ng mga kandidatong may plataporma para sa PAGPROTEKTA SA NAPAKAHALAGANG KALIKASAN at tunay na yaman sa 2028. Tama na yang mga political dynasties. No to political dynasties, NO TO DU30s, NO TO MARCOSes ❌❌❌🙅🏻‍♂️🙅🏻‍♂️🙅🏻‍♂️

23/10/2025

Hindi ka pa din ba natatauhan sa nangyayare sa bansa ngayon? Mahilig ka pa din ba sa mga idolo mo na mga angkan, sa politics? Sobrang lugmok na ng bansa. Ang paligsahan hindi na para ipakita ang mabubuting nagawa, ang mabubuting nangyayare sa bansa kung meron man. Ang kompetisyon ay hindi na paramihan ng magagandang programa kundi paramihan ng mali, paramihan ng sablay ng bawat pamilya na parepareho namang tama dahil sila ang mas nakakakilala at nakakaalam ng mga baho ng isa’t isa. Nakita na ito ng maraming tao bago pa ang halalan kaya hindi nila ibinoto ang sinoman sa mga pamilyang iyan. Ngunit ikaw na bumoto sa mga ito ay nakakalungkot na hanggang sa ngayon ay hindi pa din natatauhan. Para kang isang sawi sa pag ibig na hindi makamove on sa pinakapaborito mong character kahit na alam mong MALI. Pakiusap, wag naman sanang maging MAS huli pa ang lahat. Mas matalino ang mga taong kayang matauhan at magbago para sa ikabubuti. Tama na ang political families na bumaboy sa ating bansa. Mag isip ka. Kung ganyang klase pa din ng pamahalaan ang gusto mo sa mga susunod na henerasyon. Masuka ka naman sa mga pamilyang hinahangaan mo na patuloy lang na nagpapagulo sa bansang Pilipinas. Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakatanggol sa mga idolo mo? In the first place bakit ba sila parating nasasama sa kontrobersya. Perpekto ba silang mga tao na hindi pwedeng gumawa ng mali? Hindi ka nakapag aral, hindi ka nakakakain ng masarap, hindi ka makabili ng maayos na damit, wala kang magandang trabaho, nakaasa ka lang sa pwedeng asahan, hindi mo sigurado if kaya mo bang magpamilya, hindi mo alam if mapagtatapos mo ba ang mga anak mo sa kolehiyo, pero eto ka tanggol ng tanggol sa mga idolo mo na tila ba hindi makakagawa ng mali. Puro ka tanggol para saan? Sobrang huli na sa lahat ang sana’y napakagandang bansang Pilipinas. NO to DUTERTE, NO to MARCOS sa susunod na mga eleksyon.

17/10/2025

Alam mo ang tunay na matalino? Yung kayang magbago ng paniniwala, based sa tama at sinasabe ng utak at hindi ng puso. Ang taong walang kakayahang baguhin ang takbo ng pag iisip sa kabila ng maraming pangyayari(sablay) ay yung mas maliliit na kokote. Minsan kailangan mo din tanungin sarili mo seriously, ‘bakit ko ba pinagtatanggol itong mga politikong lodi ko?’ Hindi ba sila pwedeng magkamali? Diba tao lang din naman sila na pwedeng magkamali? Bakit ko ipinipilit na SILA PARATI YUNG TAMA PAG MAY LUMABAS NA POSIBLENG KAMALIAN?!, Kase idol ko sila?? Kase sila yung ibinoto ko?? Hindi yan makabansa. Hindi yan matalino. PAG ISIPAN MO, WAG MONG PAKIRAMDAMAN. Lugmok na lugmok ang bansa. Yan ba ang gusto mong makagisnan pa ng mga susunod na henerasyon dahil lang pinanindigan mo ang ‘posibleng mali mo palang paniniwala sa mabubulaklak na mga salita at kasinungalingan.’

13/10/2025

I just finished watching an interview (latest in youtube) with ex secretary rogelio singson, ‘coz it's so boring already that until now no one has been imprisoned in relation with flood control anomalies, but after watching it, I understand more WHY. There is still a huge lack of good management. This is still the incompetence of the government. In short, sablay talaga ang sistema ng Pinas sa kabuuan. Anyway, okay nalang din na wala pang result sa ngayon, but it's good that there are still people like him. Kakalungkot Pilipinas.

19/05/2025

Ang mahirap sa karamihan ng pinoy, inaakala nilang panalo sila kapag pumabor sa mga kandidato nila ang sitwasyon. Uulitin ko, hindi sa politiko ang dapat na loyalty ng tao kundi sa bansang Pilipinas. Kahit sino pang sinusuportahan mo basta pinili mo yan imbes na ang bansa, eh nagkakamali ka at hindi kailanman magiging tama. Paulit ulit kong sinasabe, kahit na sinuportahan mo yan, kapag yan nagkamali dapat tuligsain at hindi protektahan, at kahit hndi mo pa yan sinuportahan, basta nakita mong gumawa ng para sa bansa at hindi pansarili ay kailangan mong suportahan para parating ang bansa(at mamamayan) ang panalo at hindi ang politiko. Mananalo ka lamang kung panalo at napabuti ang lagay ng bansa. Madali lang gawin yan kung ang loyalty mo ay nasa bansa at hindi sa politiko. At mahirap kung kabaligtaran.

Malapit na ang araw kung saan maaari ka ng makapag ambag sa ikabubuti ng bansang Pilipinas. Bumoto ka naman ng mga ganit...
07/05/2025

Malapit na ang araw kung saan maaari ka ng makapag ambag sa ikabubuti ng bansang Pilipinas. Bumoto ka naman ng mga ganitong klase ng mamumuno. Mag ambag ka naman para sa ikabubuti ng bansang Pilipinas at hindi sa ikalulugmok. Patunayan mong kaya mo pang maging matalino sa pagpili. Tama na sa mga luma na inendorso lamang ng mga apelyidong huwad pagdating sa serbisyong publiko. Huwag puro mga sikat na nasa surveys lamang. Huwag doon sa mga taong naka-focus lang sa pag ganti at pagbangon ng sariling mga apelyido. Tignan mo yung mga taong hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Mga taong hindi nakakapagtapos ng pag aaral kahit lumalaban ng patas sa araw araw. Mas marami sila. Bigyan mo naman ng mas magandang kinabukasan yung mga susunod na henerasyon. Pumili ng mga taong maglalagay naman ng ibang putahe sa hapagkainan. Maging matalino sa pagpili. Manalo o matalo piliin mo yung tama para magkaroon ng mas malaking tyansa. May mga apelyidong HINDI na dapat makita sa listahan mo.
🙅🏻‍♂️🙅🏻🙅‍♀️VILLAR
💩MARCOS
🤡GO
🤮BATO
🚽REVILLA
😴CAYETANO,LAPID
👿QUIBOLOY

07/09/2023

Alam ko miss mo na ko, kaya mag pm kana!
😂🤣😅

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Follow D. Leader posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share