Tsuper Tanod

Tsuper Tanod baLiw na tagamasid at tagapakinig sa paLigid habang namamasada. bubusina kung kinakaiLangan.

14/05/2026

Dati ang adik, naghahanap ng bato.
Tapos biglang ang adik ay hinahanap ng Bato.
Noong isang linggo, hanap naman ng Punong Adik ang Bato.
Kahapon, gustong kunin si Bato.
Ngayon e hanap ulit ng Punong Adik ang Bato. 🤣

pcttoSa unang pagkakataon ay napasama din ako sa mga nakatanggap ng pinansyal na ayuda  mula sa pamahalaan. Ngayon lang ...
07/05/2026

pctto

Sa unang pagkakataon ay napasama din ako sa mga nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan. Ngayon lang talaga ako nakakubra ng pera mula sa gobyerno sa buong buhay ko.

Kaya naman maraming salamat sa P5k na ayuda sa mga tricycle driver.

May pinaglaanan na ako sa perang aking natanggap. Pang-renew ng prangkisa at driver's license, renew ng rehistro ng motor ng aking pamasada at pangchange oiL na rin. Dagdag o abonado pa nga ako pero malaking kabawasan ang ayuda sa aking gastusin para sa paghahanap-buhay.

Kaya naman hindi masasayang ang naitulong sa akin ng gobyerno.

Kayo, paano at saan niyo gagastusin ang P5k na ayuda niyo?

pcttoIsa rin akong boxing fan.At ang labanang ito ng dalawang undefeated knockout artist ang isa sa mga sagupaang talaga...
03/05/2026

pctto

Isa rin akong boxing fan.

At ang labanang ito ng dalawang undefeated knockout artist ang isa sa mga sagupaang talagang inaabangan ko, ang salpukan ng dalawang hapon na sina Naoya Inoue at Junto Nakatani.

Kanina ko lang napanood ang laban nila kasi tinulugan ko na kagabi dahil may maaga akong pinuntahan kaninang madaling-araw.

At batay sa napanood ko, nangibabaw ang bilis at bangis ni Inoue sa taas at lakas ni Nakatani kaya naman si Naoya ang itinanghal na nanalo sa laban.

Ang aking napansin sa labanang ito ay ang pagiging kulang sa explosiveness lalo na sa mga unang limang rounds na kung saan ay nag-aabang lamang si Nakatani na magkamali si Inoue. At iyan ang sinamantala ni Naoya para makalamang agad siya sa puntos.

Nakakabilib din naman talaga ang liksi ng mga paa at bilis ng mga suntok ni Naoya Inoue at siyempre, may angking lakas din ang kanyang mga kamao. Bagay na pinag-ingatan ng husto ni Junto Nakatani kaya naman ang nangyari ay parang nanonood lang siya sa mga galaw ng kanyang kalaban.

Bagama't sa bandang huli, napilitan na rin si Nakatani na makipagsabayan sapagkat talaga namang natambakan na siya sa puntos ni Inoue. At ang tanging pinanghahawakan na lang niya ay ang kanyang lakas na kayang magpatulog ng kalaban. Subalit hindi niya talaga iyon magagawa kay Naoya sapagkat isang matalino at maingat na boksingerosi Inoue.

Hindi mahina si Nakatani. Kita naman sa records niya at kung nasubaybayan mo ang kanyang karera sa boksing, hindi pipitsugin ang kanyang mga nakalaban. Sadya lang na mas magaling si Inoue. Mas marami ang karanasan ni Naoya kaysa kay Junto. At mas sanay si Naoya Inoue sa timbang ng superbantamweight kumpara kay Junto Nakatani na nakakadalawang laban pa lang sa dibisyong iyan.

Tingnan niyo ang larawan sa post na ito sa pagitan nina Naoya at Junto. Kahit na lamang sa taas si Nakatani pero kitang-kita ang kapayatan niya kumpara kay Inoue. Sa katunayan nga ay mas magaan ang timbang niya. Iyan ang unang napansin ko bago ang laban nila.

Kaya naman napaisip na agad ako sa kakayahan ni Nakatani na talunin si Inoue sa bakbakan. Kakayanin ba ng mas payat ngunit mataas na si Nakatani ang mas mababa pero mas mabigat, mas mabilis at mas sanay sa timbang na superbantamweight na si Inoue. Idagdag pa ang mas maraming karanasan ni Naoya sa mga championship fights lalo na nang makaharap niya ang isang alamat din na si Nonito Donaire.. Diyan pa lang, lamang na agad si Inoue para sa akin.

At nang mapanood ko na nga ang buong laban, hindi ako nagkamali sa aking hinala. Si Naoya Inoue ang nanalo sa kanilang dalawa.

Pero, naniniwala pa rin ako sa husay ni Nakatani. Magsisilbing aral iyan sa kanya na huwag magmadali. Puwede niyang gawing gabay ang daang tinahak ni Naoya Inoue na pasensiyoso at masusing pinag-iisipan ang kanyang mga hakbangin.

Hindi naman sa pagiging undefeated nasusukat ang tagumpay sapagkat ang Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao ay maraming talo sa kanyang boxing records. Pero alamat ang turing sa kanya ng mundo ng suntukan.

Kaya naman bukod kay Naoya Inoue, si Junto Nakatani ang isa sa mga boksingerong hapon na aking sinusubaybayan.

26/04/2026

Limang tigil o destinasyon at nagpapahintay talaga. At ang bayad sa akin para sa Limang lugar na iyan ay P50. Oo, P10 kada hinto at pahintay. 4-5 kanto bago siya magpahinto. Adult siya at hindi bata. Pero ok lang din. Sa ibang mga galanteng pasahero na lang ako bumabawi.

25/04/2026

Nangyayari ba talaga 'yong nakapag-aral o nag-aaral ka pa lang (college) e naloloko o nai-scam ka pa rin?

Oo naman! Kahit ako man ay naloko ng isang magsasakang scammer kahit ako ay college level na matagal na nagtrabaho sa NCR na kung saan ay napakarami o nagkalat ang mga manloloko.

At may kakilala rin ako na Bachelor's Degree holder pero naisahan din ng isang magsasaka.

Totoo ang pambibilog ng ulo o pambobola o pambubudol. Milyun-milyon pa nga ang mga Bachelor's degree graduate na nabudol ng isang hari sa ngayon.

Kung ang isang nakapagtapos ng pag-aaral ay naloloko, ano pa kaya ang mga nag-aaral pa lang? At matatalino pa sila ha! Walang mali sa pakikipaglaban para sa karapatang-pantao. Ang mali sa palagay ko ay ang paasahin mo ang magulang mo na nag-aaral kang mabuti pero ikaw ay Laman ng pagsigaw sa kalsada. At may pagkakataon pa na nasa kagubatan o kabundukan.

Para raw magsaliksik? O baka nauuto ka na ng maling pagkakilala at pagkaunawa sa totoong karapatang-pantao?

Oo, magagaling silang makipag-usap at manghikayat pero lalabas at lalabas din ang kanilang tunay na kulay. At iyan ang dapat mahalata ng mga matatalino lalo na't kayo ay pinatuloy ng pag-aaral ng magulang niyo sapagkat nakitaan kayo ng galing.

Nakakalungkot lang na masasawi ka sa isang maling pakikipagbaka. Talagang iiyak ang mga magulang sa kinakahinatnan ng isang anak na nahikayat sa baluktot na pakikipaglaban.

25/04/2026

Pinara ako ni LoLo sa isang subdivision. Ang sabi pagkasakay niya ay, " SA JOLLIBEE TAYO".

Aba ay ginanahan ako! 😅

Kaya dumiretso agad kami sa Jabilee este jollibee. At doon nga ay binayaran niya ako pagkababa niya.

Siyempre ako naman ay umaLis na rin at ihahatid ko pa ang isa ko pang pasahero.

Nakakagana talaga mamasada kapag sa daan ay may naisasakay ka pa habang may pasahero ka. Salamat po. 💗

24/04/2026

Maraming salamat nga pala sa 3 pasahero na nagpahatid sa akin sa Malinao sa halagang P120 (P40 bawat isa)! Ingat po kayo at enjoy sa paliligo.

24/04/2026

Kanina lang ay may isang napasahero ako na nagpahatid ng 8 kanto lang balikan. Nag-abot siya ng P100 at sinuklian ko naman ng 3 baryang P20. Aba e ibinalik sa akin ang P20 at suklian ko raw siya ng P10. Bale, P50 lahat ang kusang-loob na ibinayad niya. Maraming salamat po! Pagpalain po kayo ng ating Diyos.

24/04/2026

May napasahero ako na isang LoLa at tatlong bata. Nagpahatid sila sa malayu-layo rin na barangay sa kalinangan. Aba e halos 2 kilometro din o baka higit pa.

Nang bumaba sila, nag-abot sa akin si Lola ng P50 at humingi ng P10 na sukli. Ganoon daw lagi ang bayad niya.

Ako naman e iniabot lang ang sukli niya.

Kung kukuwentahin nating mabuti at susundin ang taripa, P20 (discounted) si Lola at 3 × P12 (+ P5 kada bata dahil labas na ng bayan at malayo rin talaga), pumapatak na P71 sana lahat.

Pero dahil pauwi na sana ako at pumara sila, kahit malapit na ako sa bahay namin e naisipan kong ihatid sila. Saka ko lang nalaman na kalinangan pala ang destinasyon.

Sa kabilang banda, nadagdagan naman ng P40 ang aking iuuwi para sa pamilya. Salamat pa rin kina Lola.

18/04/2026

Siyempre, medyo hindi tayo pahuhuli sa mga kaganapan dito sa bayan ng Lucban.

Iyan ay ang tungkol sa amoy-sunog sa parteng Brgy. Palola at ang mga apektado ay ang mismong nasa malalapit na kabahayan. Nakakarating din sa mga karatig na barangay ang epekto nito. May napanood na akong video at nakitang mga larawan na nasa parteng Palola nga ang nagsusunog.

Natatandaan ko na nakaugalian na ng mga ninuno natin ang pagsusunog ng mga damo, dayami at tuyong dahon. Maraming dahilan kung bakit nila ginagawa iyan.

Nariyan ang mabilis na paraan para mawala agad ang tambak sapagkat makikita na mas kaunti ang tumpok kapag abo na ang mga ito. Pagkatapos ay inihahalo na sa lupa ang abo bilang dagdag na pataba.

Mainam din na pantaboy ng mga insekto lalo na ng mga lamok ang usok na dulot ng pagsisiga o pagsusunog.

At ang isa sa mga pinapausukan ay ang mga puno lalo na iyong mga namumunga ng prutas. Sa totoo lang, malaking tulong sa puno ang usok sapagkat bukod sa nagtataboy ito ng insekto ay ang mismong carbon na mayroom sa usok ang kailangan ng mga halaman. Samakatuwid, nasa cycle na talaga ng kalikasan ang usok.

Subalit sa panahon natin ngayon na sobrang-sobra na ang usok sa ating papawirin o hangin at dahil sa mabilis na pagkawala ng mga puno dulot ng mga troso (lalo na ang ilegal), hindi na kayang i-proseso ng kalikasan ang lahat ng usok para gawing oxygen na kailangan naman ng mga hayop at tao bilang nilalalnghap na hangin.

Kaya naman ang labis na carbon ay naging tinatawag na polusyon o lason. Iyan ang dahilan kung bakit ang dating mainam na klima ay nagiging mainit dahil sa labis na carbon sa hangin. Hindi lang carbon ang elemento na humahalo sa hangin. May iba pang elemento at kemikal mayroon ang usok. At lahat ng iyan ay maaari nating langhapin.

Iyan ang mga dahilan kung bakit gumawa ng batas para sawatahin o ipagbawal ang anumang pagsusunog kahit na ang may mga kaugnayan sa pagsasaka. At ang mithiin ng batas ay para makatulong sa kalikasan, kung hindi man ganap, ay mapabagal ang matinding polusyon sa hangin. Gayundin ang makatulong sa pangkalahatang kalusugan ng mga naninirahan sa mundo mapa-hayop man o tao.

Subalit sa panig ng mga nagsasaka, malaking tulong talaga ang pagsusunog dahil nga dagdag na libreng pataba o insecticide ang usok. Malaking kalinisan din ito para sa kanila.

Ito ngayon ang tanong, ano ang mga maaaring gawin ng Gobyerno para mapigilan o mapayuhan ang mga magsasaka na iwasan na ang pagsusunog?

Batay sa aking napapanood na mga videos na may kaugnayan sa agrikultura, puwedeng gamitan ng panggiik o panggiling na pinapagana ng motor ang mga dayami, damo at damo. Dalawang klase iyan, motor na de-kuryente o de-gasolina. Oo, gigilingin ang mga damo, dahon o dayami maging ang mga bunot para maging mas pino. At ang mga iyan ang maaaring isaboy o ihalo sa lupa para mas mabilis malusaw at maging karagdagang natural na pataba. Maaari ding gawing pellets (feeds) para maipakain sa mga alagang hayop.

Kaya kung maglalagay ng mga de-motor na panggiling sa mga barangay lalo na sa kanayunan, maaaring masawata o mapigilan ang labis na pagsusunog sa pagsasaka.

O kaya naman ay magpa-seminar ang mga kinaaukulang nanunungkulan sa gobyerno tungkol sa natural composting o vermi-casting (ginagamitan ng bulate).

Saka puwedeng gawing mulching (panakip) sa lupa ang mga tuyong dayami, dahon o damo para iwas tubo at lago na rin ng mga hindi pananim kagaya ng mga damo. Dagdag lamig pa iyan sa lupa para hindi lubusang matuyo sa tindi ng init ng araw. Makakatulong din iyan para mabawasan ang madalas na paggagamas at libreng natural na pataba na rin sa lupa.

Ang mga iyan ay natutunan ko sa mga napapanood at nababasa ko tungkol sa natural na agrikultura. At siguradong malaking tulong iyan hindi lang sa mga magsasaka kundi pati na rin sa kalikasan.

Address


4328

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tsuper Tanod posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed transport service?

Share