15/06/2025
Pupuwede bang maging presidente ang miyembro ng CAPTODA na hindi taga Capitol Park Homes II? Nako, bawal yan.
May umiikot na sabi-sabi na may "presidente" raw ng CAPTODA na hindi naman nakatira sa loob ng Capitol Park Homes II, ito po ay isang malaking FAKE NEWS! Dahil sa kasalukuyan, wala pa pong kinikilalang presidente ang CAPTODA sa tumatakbong kaso nito laban sa legal at illegal na opisyales, at bawal din pong magkaroon ng presidente ng asosasyon na hindi naman taga Capitol Park Homes II.
Dalawang resolution ang basehan kung bakit bawal ang miyembro ng CAPTODA na hindi taga Capitol Park Homes II na umupo bilang presidente ng asosasyon.
1. Ayon sa Resolution No. 01, S. 2021 ng CAPTODA - pinahihintulutan nito ang mga miyembrong hindi residente ng Capitol Park Homes II na tumakbo bilang presidente ng CAPTODA.
2. Ayon sa Resolution No. 1, S. 2024 ng Capitol Home Owners Association - pinahihintulutan din nito ang pag-okupa ng posisyon bilang presidente ng CAPTODA kung ito ay hindi residente ng Capitol Park Homes II.
Huwag magpapalinlang sa mga sabi-sabi, mayaring itanong ito sa aming page o kaya naman ay mag email sa amin upang kumpirmahin ang mga balita patungkol sa CAPTODA.
Maraming salamat, at laging tatandaan lamang ang may-alam.